top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Naimpluwensiyahan ng GF na artist, ibang-iba na… JOHN LLOYD, NAKIUSO SA OOTD ABROAD, NAG-PALDA NA RIN

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 18, 2024
2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | February 18, 2024



Marami ang nagtatanong kung hanggang ngayon ay naka-vacation mode pa rin ba si John Lloyd Cruz dahil ayaw na naman niyang lumabas sa telebisyon pagkatapos ng Season 2 ng sitcom niyang Happy ToGetHer


At maging si Direk Bobot Mortiz ay nabigla nang bigla na lang natigil ang show. Hindi man lang daw siya inabisuhan ni JLC na ititigil muna ang sitcom na produced ng aktor.

 

Wala ring balita kung may tinanggap na movie offer si John Lloyd dahil marami namang projects na inialok sa kanya.


Ang kinahihiligan ngayon ni JLC ay ang pagdalo sa mga painting exhibits dahil artist din ang nobya niyang si Isabel Santos. Biglang-bigla ay nabago rin ang mundo ngayon ni Lloydie dahil sa impluwensiya ng kanyang nobya.


Mukha namang masaya at nag-e-enjoy si JLC na wala siya sa harap ng camera. Halos dalawang taon na wala siya sa harap ng camera at hindi gumagawa ng pelikula. At marami ang nanghihinayang sa mga oportunidad na kanyang pinakawalan. Mahusay pa naman siyang dramatic actor.


Well, pati sa pananamit ay nagbago na rin si JLC. Marami ang nagulat nang makita siyang nakasuot ng palda na uso ngayon sa mga celebrities abroad. 


Dismayado tuloy ang ilang fans na umiidolo sa kanya. 


Bakit ang dali naman daw magsawa ni John Lloyd sa pag-arte? Porke ba nakapagpundar na siya ng mga properties at financially stable na ay slow down na rin siya sa pagtanggap ng projects? 


Bakit hindi niya gayahin ang ibang aktor na habang nagtatagal sa showbiz ay lalong gumagaling sa pag-arte tulad nina Christopher de Leon, Gabby Concepcion, Dingdong Dantes, Dennis Trillo, atbp. na may napatunayan na at nagkamit na ng ilang acting awards?


Hindi tumigil ang mga nasabing aktor sa pagganap sa iba't ibang klaseng roles sa pelikula at telebisyon. 


Bata pa si John Lloyd para magsawa at mapagod sa pag-arte. Sayang naman


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page