Naiinis na Daniel Jr. daw… NETIZENS KAY SETH: FEELING-SIKAT KA!
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | September 1, 2022

Marami ang nagsasabing ginagaya umano ni Seth Fedelin si Daniel Padilla. 'Di naman against ang young actor kung 'yun ang komento sa kanya ng mga netizens.
Pero pahayag ni Seth, "Minsan, gusto ko na silang sagutin."
Aminado si Seth na minsan, nais na niyang sagutin ang ilang netizens lalo na umano ang mga nagsasabing ginagaya niya talaga ang aktor.
Flattered naman daw siyang mabansagang "Daniel Padilla, Jr." pero malaki pa rin daw ang pagkakaiba nilang dalawa.
Sey ng young actor sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, "Happy po ako na nako-compliment ako nang maganda. Pero 'yung iba, sinasabi na ginagaya ko raw (si Daniel), na pati 'yung sapatos niya, ginagaya ko rin daw. Eh, mahilig ako sa ganu'ng sapatos, eh, si DJ, mahilig din sa sapatos na ganu'n," ani Seth.
"Eh, sa 'kin naman, minsan, gusto ko silang sagutin. 'Siya lang ba ang puwedeng magsuot ng ganu'n? Siya lang ba ang puwedeng gumawa ng ganu'n?'"
Hindi raw niya ginagaya ang kapwa aktor at malaki ang pagkakaiba nila.
"Pero alam ko sa sarili ko na hindi ko siya ginagaya. 'Pag nasa loob ako ng bahay, 'pag nagba-vlog ako, ito ako. 'Pag kausap ko ang mga tao, ito ako.
"Actually nga, 'pag tumayo si Kuya DJ, napaka-manly niya po tingnan. At ako po, hindi ganu'n, mukha po akong totoy, promise."
Aminado si Seth na nakararamdam siya ng pagkainis dahil dito, pero pinasasalamatan din naman ang mga taong nakaka-appreciate sa kung ano ang nakikita ng mga ito sa kanya.
"Hindi ako nahe-hurt, naiinis lang... Ang dami nilang sinasabi. Kasalanan ko po ba na nakikita n'yo siya sa akin? Siguro po, hindi ko po kasalanan. Maraming salamat po sa ibang nakaka-appreciate. Maraming salamat po sa nagko-compliment," pagtatapos ng young actor.
May ilang netizens na nag-comment, "Feeling-sikat na si Seth, huh? Nayayabangan ako sa sagot niya. Dapat nga, ma-appreciate niya na ikinukumpara siya sa sikat na aktor at hindi sa kung sino lang diyan."
"Aba, hindi pa naman niya narating ang tagumpay na nakamit ni DJ, feeling niya, sikat na sikat na siya."
Pasalamat pa nga raw ang young actor dahil napapansin siya at the expense of Daniel Padilla.
Si Seth ay produkto ng reality show na Pinoy Big Brother.





Comments