Nahuli raw sa Prague… EDU, IPINU-PUSH ANG EXTRADITION NI ZALDY CO
- BULGAR

- 21 hours ago
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | April 19, 2026

Photo: Edu Manzano at Zaldy Co - IG
Sinagot ni Edu Manzano ang comment ng isang netizen na, “Maghintay na lang kasi, ‘wag praning, Lolo Edu,” sa post niyang “Can the Philippines request extradition for Zaldy Co after report he has been arrested in Prague, Czech Republic?”
“Yes” ang sagot ni Edu at naglatag siya ng mga rason kung bakit puwedeng mag-request ng extradition ang bansa sa Czech Republic. Worth reading ang post na ito at para sa kanya, dapat madaliin ang pagpapabalik kay Zaldy Co sa Pilipinas.
May netizen na nagsabing maghintay na lang siya, kaya sinagot niya ito ng “Seriously? Praning? We’re encouraging intelligent discourse on social media. 329 followers. No wonder.”
Supalpal ang mga bashers dahil marami ang kumampi kay Edu at gusto ng taumbayan na bumalik sa bansa si Zaldy Co para magkaalaman.
Nag-worry pa si Edu nang may mag-comment na hindi nabalita sa Czech Republic ang pagkakahuli kay Zaldy Co, pero kalaunan ay nakumpirma rin ang balita.
At speaking of Edu, ipino-promote niya ang trailer ng A Secret in Prague (ASIP) na magpa-pilot sa TV5 sa April 27. Balik-showbiz din siya sa series na ito, bukod pa sa pagiging host sa Peanut Gallery Media Network. Dito rin niya nakilala ang kanyang girlfriend na si Ann Cuisia.
Piktyur na happy together, kumalat…
PAGSASAMA NINA JOHN LLOYD AT ELLEN, INAAYOS NA
Noong una, si Ellen Adarna lang ang nakitang ka-meeting ni Atty. Annette Gozon-Valdes at ang sabi, may offer na project ang network sa aktres. Wala nang balita pagkatapos ng meeting at wala ring update tungkol sa offer.
Nitong huli, kasama na ni Ellen si John Lloyd Cruz (JLC) na nakipagkita kina Annette at Tracy Garcia ng Sparkle GMA Artist. Inisip agad ng mga nakakita ng post na hindi na lang kay Ellen may offer ang Kapuso Network kundi pati na rin kay JLC, lalo na’t ang caption ni Annette ay: “Ending the work week with exciting conversations.”
Comment ng mga fans, ano pa ba ang mas exciting na conversations kundi ang offer ng GMA kina Ellen at JLC?
Wish nila, tanggapin ni JLC kung may offer man at tapusin na ang matagal na niyang pamamahinga at bumalik na sa showbiz.
Nakaabang ang mga fans sa mga susunod na update sa pagkikitang ito nina John Lloyd at Ellen with the GMA boss. Wish pa nila, project nilang dalawa ang mapanood sa GMA-7.
Sa GMA nagsimula si Ellen at naging bahagi ng Bubble Gang (BG), at si JLC naman ay gumawa ng sitcom na matagal ding umere. Inakala ng ilan na masusundan iyon ng drama series, pero nag-exit sa showbiz ang aktor.
Well, sana nga, maging daan si Ellen Adarna para balikan ni John Lloyd Cruz ang showbiz. Marami ang matutuwa kung magkakasama sila sa isang drama series sa GMA.
Mga inggit, pikit! DINGDONG, MALAKAS DAW SA GMA-7 KAYA 3 ANG SHOWS
SA May 11, 2026 ang premiere ng The Master Cutter (TMC) na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes. Kapag nagsimula na ang airing ng action-drama series, may mga magrereklamo na namang fans na favorite ng GMA si Dingdong dahil siya lang ang Kapuso na may tatlong shows.
Napapanood din si Dingdong bilang host sa Family Feud (FF) at Amazing Earth (AE), at ngayon ay may series pa na Monday to Friday ang airing. Ang sagot diyan, pinagkakatiwalaan siya ng network kaya may drama series na, may game show pa at minsan ay may documentary show din.
Nabanggit ni Dingdong na isa sa mga rason kung bakit gusto niya ang TMC bilang si Anthony ‘Atoy’ Padua ay dahil marami siyang karakter na ginagampanan. Paiba-iba ang hitsura niya at marami siyang disguise. May larawan pa nga na may suot siyang oversized na bigote.
May special participation pa siya sa GMA-7 at Prime Video PH series ni Marian Rivera na Behind Closed Doors (BCD), kaya hindi lang sa GMA-7 siya mapapanood, pati sa streaming platform.
May pelikula pa sila ni Marian Rivera sa Star Cinema, collab ng APT Entertainment at Agosto Dos Productions ni Dingdong Dantes. Kaya iyak na lang ang mga bashers sa dami ng projects niya.






Comments