top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Nahiwalay na nga kay Carla, wa' pang datung… TOM, NA-SCAM, NASIMOT ANG SAVINGS

BULGAR
Mar 8, 2022
1 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | March 8, 2022




Dumaraan ngayon sa matinding pagsubok sa buhay ang aktor na si Tom Rodriguez.


Nadagdagan ang matindi niyang problema sa hiwalayan nila umano ng asawang si Carla Abellana at ngayon naman ay nababalitang purdoy ang Kapuso aktor dahil na-scam.

Wala pang official statement si Tom hinggil sa bagong isyu na ito. Pero, ayon sa mga sitsit, isang malapit sa aktor ang nagsabing nalimas umano ang savings niya (as in zero) dahil may nag-alok sa kanyang sumali sa business venture.


Maganda ang paliwanag ng taong kumumbinse sa kanya. Hindi niya alam, scammer pala.


Maaalalang nag-file si Tom ng Certificate of Candidacy bilang first nominee sa AMP (Anak ng Maharlikang Pilipino) partylist na diumano ay kakatawan sa marginalized sectors ng construction workers. Pero sad to say, hindi ito nakasali sa final list ng Commission on Elections.


Ang nakakalungkot, may napangakuan na umano ng tulong si Tom pagkatapos mag-file ng Certificate of Candidacy dahil nga nag-expect itong magkakaroon ng malaking return of investment at makakatulong ang kanilang partylist group.


Hindi lang daw isa ang napangakuan niya kundi may ilan pa raw siyang kinausap tungkol dito.


Ang tanong, kailan daw kaya magsasalita si Tom tungkol dito?


May nagsasabi pang ito raw ang dahilan kaya biglaang naghiwalay ang mag-asawa na kakakasal lang last October, 2021.


Nagbebenta nga rin daw si Carla ng kanyang condominium nang palugi base sa kanyang post, pero walang binanggit kung konektado ito sa sinasabing pinagdaraanan ng aktor.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page