top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Nahilo at nagsusuka nu’ng Dec. 24… JAI NG PBB, 3 DAYS ‘NA-COMATOSE’ SA OSPITAL

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 18, 2021
1 min read

Julie Bonifacio - @Winner | February 18, 2021





Ibinahagi ng kambal na sina Joj and Jai Agpangan ang malungkot na pangyayari sa buhay nila nu'ng umapir sila sa Magandang Buhay last Tuesday.


Sina Joj and Jai ay naging mga housemates ni Kuya sa Pinoy Big Brother Teen Edition 4.

Nasa Bacolod sina Joj and Jai nu'ng makausap ng mga hosts ng Magandang Buhay na sina Momshies Jolina Magdangal, Karla Estrada at Melai Cantiveros.


"She feels fine na po. Pero one week lang na very emotional and sensitive siya. Medyo magtu-two weeks siya. Pero ngayon, medyo okey na siya," pahayag ni Joj.


"Kasi na-checkup na rin po ako noong last time. Sabi ng doctor, graduate na raw ako sa kanya," masayang sabi ni Jai.


Ang tinutukoy ni Jai ay nu'ng nagkasakit siya during Christmas eve last year. Pero sa Magandang Buhay ay tinanong ni Momshie Melai kung ano ang tunay na nangyari kay Jai.


"Actually po, nakita ko po talaga lahat ng nangyari sa twin ko. Noong (December) 24, nu'ng mornin, medyo busy sa pagpe-prepare for Christmas, tapos, noong bandang hapon, nagku-cook siya for Christmas," lahad ni Joj.


Bigla raw sumama ang pakiramdam ni Jai at nahilo. Bandang 5 PM, mga 2 times daw nagsusuka si Jai at nagsu-swell ang kanyang tenga.


Three days daw nakahiga lang sa hospital bed si Jai na parang na-comatose. At paggising niya after three days, hindi raw niya makilala si Joj at ang mommy nila.


Dalawa lang daw sina Joj at mommy niya na magkasamang nag-Noche Buena sa ospital last December.


Sa mga pahayag ni Joj, naramdaman ng mga momshies ng Magandang Buhay ang love sa isa't isa ng twin sisters.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page