Nagwagi sa 3 puntos ni Jokic ang Nuggets, Green, suspended
- BULGAR
- Jan 17, 2023
- 1 min read
Updated: Jan 18, 2023
ni Anthony E. Servinio @Sports | January 17, 2023

Bumanat ng 3-points na may 1.2 segundong nalalabi si MVP Nikola Jokic upang ipanalo ang Denver Nuggets sa Orlando Magic, 119-116, sa NBA kahapon mula sa Ball Arena.
Ito ang ika-anim na sunod ng Nuggets at mag-isa sila na muli sa tuktok ng Western Conference.
Triple-double si Jokic na 17 puntos, 10 rebound at 14 assist at tumibay ang kaso para maging MVP sa pangatlong sunod na taon. Gumawa rin ng 25 puntos si Aaron Gordon at 18 si Jamal Murray at ang Denver (30-13) ang pangalawang koponan na umabot ng 30 panalo kasunod ng numero unong Boston Celtics (32-12).
Samantala, nanaig ang bisitang Philadelphia 76ers sa Los Angeles Lakers, 113-112, sa isa sa dalawang laro sa Crypto.com Arena. Ibinalik ni Dennis Schroder ang lamang sa Lakers, 109-108, subalit sinagot ito ng tres ni Georges Niang at buslo ni Joel Embiid upang umabante ang 76ers, 113-109, at 45 segundo sa orasan.
Pumalag si Troy Brown Jr. at nag-three-points upang lumapit, 112-113, at nabawi ng Lakers ang bola ngunit nagmintis ang tira ni Russell Westbrook sabay ubos ng oras.
Nagtapos na may 35 puntos at 11 rebound si Embiid sa duwelo niya kay LeBron James na nagsumite rin ng 35 puntos upang lumampas ng 38,000 sa kanyang 20 taon sa liga.
Sa unang laro, suspendido ng NBA si kabayan Jalen Green matapos sumama sa away ng Houston Rockets at Sacramento Kings noong nakaraan. Dahil dito, hindi naglaro si Green at wagi ang Los Angeles Clippers sa Rockets, 121-100, sa likod ng 31 puntos ni Terance Mann habang may 30 puntos si Kawhi Leonard.




Comments