Nagtiwala sa kaibigan… JOEL CRUZ, NA-SCAM NG P40 MILYON
- BULGAR

- 9 hours ago
- 2 min read
ni Mercy Lejarde @Talkies | July 16, 2026

Photo: IG _joelcruzaficionado
Ibinunyag ng tinaguriang ‘Lord of Scents’ na si Joel Cruz na nawalan siya ng humigit-kumulang P40 milyon matapos siyang mabiktima ng scam.
Ibinahagi niya ang karanasang ito sa kanyang guesting sa podcast ng journalist-radio host na si Susan Enriquez, sa Kay Susan Tayo! via GMA Public Affairs.
Tinanong siya ni Susan, “‘Di ba sa panahon ngayon, sinasabi na ‘di tayo dapat masyadong nagpapakita ng kayamanan o karangyaan? Ang yaman mo ba ay talagang katas ng iyong negosyo sa pabango?”
Sumagot si Joel, “Yes. Masasabi kong katas talaga ‘to ng Aficionado. We’ve been in the business for the past 25 years, at ito talaga ang aming bread and butter. Mayroon akong iba pang negosyo, pero karamihan ng pinanggalingan ng lahat ng ito ay ang Aficionado.”
Pero bukod sa pabango, meron din daw siyang ibang negosyo – anim na buildings sa California na may 21 to 23 tenants at malaking parking lot na kumikita rin. Kabilang sa kanilang mga tenants ang mga bangko, dental clinic, restaurant, at mga kumpanya ng mobile phone.
“Kung sabihin ko man ‘to, ginawa ko ‘to sa malinis na paraan. Pinaghirapan namin ‘to. Proud ako na ‘di ‘to gaya ng mga alam mo na, ‘yung nangyayari sa gobyerno natin. Dito, malinis talaga.”
Tinanong ni Susan si Joel, “Sa buong buhay mo bilang negosyante, mayroon na bang pagkakataon na may nawala sa iyong pera o na-scam ka?”
Sagot ni Joel, “Oo,” sabay tawa.
Muling nagtanong si Susan, “Paano ‘to nangyari?”
Kuwento ni Joel, “Diyos ko. Tatlong beses na yata akong na-scam. Noong una, akala mo totoong kaibigan mo ang isang tao. Ipapakita n’ya sa iyo ang magagandang bagay at bibigyan ka ng tiwala. Pero kalaunan, sasabihin n’ya na mayroon siyang ini-invest na pera sa ibang bansa. Dahil nagtiwala ako, pumayag ako. Ang ‘di ko alam, hindi pala talaga iyon investment — nagsusugal pala s’ya. Du’n na naubos ang pera.”
Nang tanungin siya ni Susan kung magkano ang perang nawala sa kanya, diretsahang sagot ni Joel, “P40 milyon.”
Well, ingat-ingat din ‘pag may time, Sir Joel. Basta ang masasabi lang ni yours truly, “Kay Susan Tayo!”
TODO-TANGGOL ang aktor na si Gerald Anderson kay Sen. Robin Padilla laban sa mga batikos na natatanggap nito dahil sa pagganap sa seryeng Blood vs. Duty (BVD) ng ABS-CBN.
Tinanong si Gerald kung agree ba siya na dapat paghiwalayin ang pulitika at pag-arte.
Ayon sa aktor, “Pagtapak mo sa set, wala na ‘yan, ‘di na kasama ‘yan, ‘di ba? At the end of the day, artista s’ya at nandu’n s’ya dahil binabayaran din s’ya para magtrabaho. Kumbaga, isa s’yang aktor, isa s’yang idol.
“At para sa role na si Sir Mustafa, I don’t even think na may iba talagang babagay du’n. Bilang isang Muslim leader, at sa totoong buhay ay Muslim leader din s’ya. Kaya pagdating sa set, labas na po ang pulitika. We’re just trying to make a good project
para sa audience natin.”
In fairness, napakahusay na aktor ng nag-iisang Sen. Robin Padilla!





Comments