Nagte-taping na… SHARON, JOIN NA SA SERYE NI COCO
ni Julie Bonifacio - @Winner | November 4, 2021

Busy na malamang si Megastar Sharon Cuneta sa pagte-taping para sa super special appearance niya sa ABS-CBN primetime teleserye na FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin.
Hindi na kasi masyadong nagpo-post ang Megastar ng mga very recent pictures niya on her social media accounts.
Mapapansin na kundi mga posts campaigning for her hubby na si Sen. Kiko Pangilinan for VP at sa ka-tandem nito na si VP Leni Robredo for president, mga regalong pagkain ang makikita sa kanyang socmed accounts.
Anyway, naglalabasan na ang promo teaser para sa pag-join ni Mega sa Ang Probinsyano.
Naka-post na sa Facebook page ng ABS-CBN PR ang teaser na may nakalagay na ganitong caption: “Sa pagpapatuloy ng ika-6 na anibersaryo ng #FPJsAngProbinsyano siguradong MEGAganda pa ang gabi n'yo! Abangan!”
Ngayon pa lang ay excited na ang mga Kapamilya sa grand entrance ni Sharon sa kauna-unahang teleserye na lalabasan niya.
“Wow SHARON is in!”
“Ayan na siyaaa!”
“OMG si Mega!"





Comments