top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Nagtapyasan at nagpalitan ng players ang Magic at Celtics

BULGAR
Mar 27, 2021
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | March 27, 2021




Bumalik si Danny Green sa Staples Center at binuhat niya ang numero uno sa NBA Eastern Conference Philadelphia 76ers sa malaking tagumpay sa defending champion Los Angeles Lakers, 109-101. Sinayang ng 76ers ang kanilang 18 puntos na lamang sa simula ng fourth quarter, 89-71, subalit ihinatid ni Green ang pandiin na tres, 107-101, at 30 segundo sa orasan.

Nagtapos na may walong tres para sa 28 puntos si Green at sinundan ni Seth Curry na may apat na tres para sa 19 puntos. Bago ang laban, iginawad sa mga dating Lakers Green at Dwight Howard ang kanilang mga singsing para sa kampeonato noong nakaraang taon. Subalit hindi naging maganda ang gabi para kay Howard at pinalabas siya sa katapusan ng first quarter matapos makipagtalo kay Montrezl Harrell bago bumalik sa bench.

Ipinasok ni Damian Lillard ang tatlong free throw galing sa foul ni Trevor Ariza na may isang segundong nalalabi upang makatakas ang Portland Trail Blazers sa Miami Heat, 125-122. Bumabawi na ng porma si CJ McCollum sa kanyang 35 puntos.

Humataw ang LA Clippers sabay paglamig ng San Antonio Spurs sa 4th quarter, 98-85. Namuno sa tagumpay sina Reggie Jackson na may 28 puntos at Paul George na may 24 puntos at 13 rebounds. Humabol ng 17 puntos ang New York Knicks upang mabigo ang Washington Wizards, 106-102, salamat sa mainit na 4th quarter ni Alec Burks.

Tinambakan ng Sacramento Kings ang bisitang Golden State Warriors, 141-119, sa likod ng 44 puntos ni De’Aaron Fox. Double-double si Richaun Holmes na 25 puntos at 11 rebound at may dagdag 21 puntos si rookie Tyrese Haliburton.

Samantala, lumipas ang huling araw ng palitan ng mga manlalaro ng mga koponan at tanging si Nikola Vucevic ng Orlando Magic ang pinakamalaking pangalan na lumipat. Pinadala ng Magic ang kanilang All-Star at si Al-Farouq Aminu sa Chicago Bulls para kay Wendell Carter Jr. at Otto Porter Jr.

Hindi pa tapos doon ang Magic at pinadala si Evan Fournier sa Boston Celtics para kay Jeff Teague. Halos kasabay nito ay nagkasundo na lumipat si Aaron Gordon at Gary Clark sa Denver Nuggets para kay Gary Harris at rookie RJ Hampton.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page