Nagsuplada raw sa Singapore… MAINE, 'DI TAKOT MAWALAN NG FANS
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | January 19, 2023

Hindi tinatantanan ng mga bashers si Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub. Laging may ibinabatong isyu sa kanya at sa nobyo niyang si Cong. Arjo Atayde.
Halos lahat ng kanyang kilos, gagawin at sasabihin ay binabantayan ng kanyang mga bashers upang magkaroon sila ng dahilan upang batikusin si Yaya Dub.
Ang latest issue nga na pinagpistahan sa social media ay ang pagpatol at pagmamaldita diumano ni Maine sa isang sales associate sa isang health wellness store sa Singapore.
Sinupladahan daw ito ni Maine.
Pero, may naging paliwanag si Yaya Dub tungkol sa insidente. Hindi raw totoo na binastos niya ang sales associate ng store, bagkus ay ito at mga kasamahan ang hindi maganda ang naging pakikitungo sa kanya.
Well, lagi na lang pinalalabas ng mga bashers na nega ang ugali ni Maine. Pero hindi basta papayag si Yaya Dub na basta na lang siya lalaitin at huhusgahan lalo na kung hindi totoo ang ibinibintang sa kanya.
At this point of her life, hindi na takot at nag-aalala si Maine Mendoza na mawalan o mabawasan ng mga fans. Handa na siyang magbabu sa showbiz sakaling magpakasal na sila ni Cong. Arjo Atayde.
After all, nakapagpundar at nakapag-invest na siya for her future.





Comments