Nagsori sa aktres… DIREK LAUREN: 'DI LANG SI JANELLA ANG OUT SA STAR MAGIC 30TH CATALOGUE
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 14, 2023

Humingi ng dispensa ang head ng Star Magic na si Direk Laurenti Dyogi kay Janella Salvador dahil hindi ito napasama sa cover ng Star Magic 30th catalogue.
Ayon kay Ogie Diaz sa kanyang latest vlog with Mama Loi ay nakunan niya ng pahayag si Direk Lauren nitong July 8 matapos ngang mag-viral ang post ni Janella na tila nagtatampo sa Star Magic.
“Siguro, at this point, nakausap na ni Direk Lauren si Janella kasi sinabi sa akin ni direk nu’ng July 8 nang 5:49 (PM), eh, hindi pa raw niya nakakausap si Janella at hihingi na lang daw siya ng dispensa kay Janella,” ang balita ni Ogie.
Ipinaliwanag daw ni Direk Lauren na last minute ay may nabago sa layout ng catalogue at kinailangang magdagdag ng pahina.
Ayon pa kay Direk Lauren, marami rin daw artistang hindi naisama sa naturang catalogue.
“Anyway, sana, tanggapin ni Janella ‘yung paghingi ng dispensa ng Star Magic. Maliit na bagay ‘yun kaya lang, ‘di ba, sa mga stars kasi, medyo partikular sila sa ganyan.
“Kasi, 'pag wala ka ru’n, Loi, iba ang tingin sa ‘yo ng mga tao,” sabi ni Ogie.
“Parang ‘di ka belong,” sabi naman ni Mama Loi.
Bilang manager ay naiintindihan din naman daw niya ang sentimyento ni Janella dahil siya man ay ipaglalaban niya ang kanyang talent kung wala sa catalogue.
Valid naman daw ang tampo ni Janella at hindi lang ang aktres kundi maging ang isa pang Star Magic talent ay nag-post din daw ng “Sana all, favorite.”
Matatandaang nag-viral ang tweet ni Janella na, “Ah, k. Noted” last July 8 at hinihinalang tungkol ito sa hindi niya pagkakasama sa cover ng Star Magic catalogue dahil na rin sa nilagyan niya ito ng mga emojis na “star” and “magic wand”.





Comments