top of page
SHEET - MGA ARTISTANG NAG-EENDORSO NG ONLINE GAMBLING, ‘DI NAGLALARO-IG _ogie_diaz.jpg

Nagsisigaw, inawat ng asawang si Neil… ANGEL, HITSURANG FAN NA GUMAWA NG EKSENA SA RALLY NI LENI

  • BULGAR
  • Mar 22, 2022
  • 2 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | March 22, 2022



Hindi mahulugan ng karayom ang ginanap na campaign sortie sa Pasig City nitong Linggo nina VP Leni Robredo at Senator Kiko Pangilinan na kumakandidato bilang pangulo at pangalawang pangulo ng bansa.


Sa mga drone shots na naglabasan sa social media ay naging kulay rosas ang buong Ortigas at Emerald Avenue na as early as 8 AM ay puno na kaya ipinasara na ang dalawang kalyeng ito.


Pati ang American singer na si Ariana Grande ay nagulat sa nag-viral na photos at ibinahagi niya ito sa kanyang IG Story.


Ang caption ng international singer, “I could not believe this was real. I love you more than words.”


Napasigaw naman si Angel Locsin nang mapansin ni VP Leni ang ginawa niyang placard na may nakasulat na, “Ma’am Leni! Sa 'yo na ang bato!”

Nag-viral ang video sa social media na biglang napasigaw si Angel nang lumapit sa kanya si VP Leni. “Oh, my God!!! Oh, my God!!!” ang paulit-ulit na sigaw ng aktres.


Nagpaka-fan girl ang aktres nang makaharap nang personal si VP Leni.


Samantala, ipinost din ni Angel ang naging mga kaganapan sa pagsugod niya sa tinaguriang People’s Rally.


“Napansin 'yung project kong inabot ng 3 AM (laughing emoji). Thank you po, Ma’am @bise_leni @aikarobredo @jpgrobredo at mga kuya marshals.

“Sabi ng asawa ko ‘Tama na. Tama na,’ nu’ng nagsisigaw ako. Tapos, hinila na ako palayo, LOL,” say ng aktres.


Madaling-araw na nang matapos niya ang ginawang placard na ilang oras daw niyang ginawa at ang sinasabi niyang ‘bato’ ay ang mahiwagang bato na isinusubo ni Narda para maging si Darna na unang sumikat sa komiks na nilikha ni Mars Ravelo.

Darna in real life ang turing ng publiko kay Angel dahil laging tumutulong sa mga kababayan nating nabibiktima ng sakuna at trahedya sa iba’t ibang panig ng bansa.


Ang paalala ni Angel sa publiko through her social media accounts, maging wais sa pagboto sa darating na eleksiyon.


“Ngayong simula na ang kampanya, at ang mga pulitiko are putting their best foot forward, PLEASE LANG — kilatising mabuti ang bawat pulitiko.


“Huwag bumoto ng may bahid ng korupsiyon, sinungaling, nagmamanipula ng batas, tamad, malabo at hindi makatotohanang plano sa bansa.


“Kaya kung napasaya ko man kayo kahit paano, o kahit para sa sarili n'yo na lang, please lang, VOTE RIGHTLY! Pag-isipan din kung sino ang susuportahan,” say ng misis ni Neil Arce.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page