Nagsimulang child actress… SHAINA, PANG-NANAY ROLES NA
- BULGAR

- 1 hour ago
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | April 24, 2026

Photo: Shaina Magdayao - IG
“Hindi naman,” at “Hindi ako ‘yun,” ang unang sagot ni Shaina Magdayao nang tanungin namin tungkol sa isyu na isa siya sa nasa teaser ng Star Worx, ang talent agency ng TV5 at MQuest Artists Agency na ilo-launch sa May 5.
Ka-mata raw ni Shaina ang nasa teaser at kaya may naniwala na siya ‘yun dahil may series siya sa TV5 na magpi-premiere na sa April 27, 8:45 PM, ang My Bespren Emman (MBE).
Inakala rin na lilipat na sa TV5 ang aktres dahil ang namumuno sa Star Worx ay si Mr. Johnny Manahan na matagal na panahong nasa likod ng Star Magic.
Kaya lang, todo-diin si Shaina na hindi siya ang pahulaang aktres.
“‘Di ko ipagkakaila na I started with Channel 7 sa Lyra at pinalaki ako ng ABS-CBN at nandito ako ngayon sa TV5, but produkto ako ng lahat ng tao na nagtiwala sa akin from GMA, mas lalo ABS-CBN, the network that raised me. Tangan-tangan ko na ‘yun. ‘Di na maaalis sa DNA (genetic info) ko ‘yun. Nagtatrabaho lang naman ako nang maayos,” pahayag ni Shaina.
Ayan, malinaw na hindi siya kabilang sa mga talents na ipakikilala ng Star Worx. Wala siyang balak na umalis sa ABS-CBN.
Nagpasalamat ang aktres na pinayagan siya ng Star Magic na tanggapin ang family at inspirational series ng TV5 na mapapanood na simula sa Lunes.
Napa-throwback nga si Shaina. Dati raw, siya ang child actress sa mga ginawang series, ngayon ay nanay na siya ng child actress sa MBE. Sila ni JM de Guzman ang parents ng child actress na si Ryrie Sophia.
Very humbling kay Shaina na hanggang ngayon ay nagtatrabaho pa rin siya. May offer pa rin siyang maganda. Nasa harapan pa rin siya ng press at lumaki sa harap ng press.
“But now ang little Shaina na nakikita n’yo dati, I am now the mom in the story. Ang little Shaina na napakasuwerte to be able to share the screen with some of the great actors in the industry, hawak-hawak ko ‘yun, hopefully baun-baon ko ‘yun for this show and for my role,” sabi ni Shaina Magdayao.
Mga utol ng GF, kasundo ng aktor…
RELASYONG DANIEL AT KAILA, WALA RAW KONTRABIDA
Layag na layag ang relasyon nina Daniel Padilla at Kaila Estrada dahil walang kontrabida sa pagmamahalan ng dalawa, lalo na ang kani-kanilang pamilya at mga kaibigan.
Present ang bawat isa sa kani-kanilang family event.
Lalo pang natuwa ang mga shippers nina Daniel at Kaila nang tawaging ‘bayaw’ ng kuya ni Kaila na si Luigi Muhlach si Daniel.
Binati kasi ni Daniel si Luigi ng “Happy kaarawan ‘tol!!! FORE!!!” sa birthday nito.
Sagot ni Luigi, “Maraming salamat bayaw! April boys, let’s go!”
Kaya tuwang-tuwa ang mga fans at sa birthday ni Daniel sa April 26, si Luigi naman ang babati ng happy birthday sa kanyang bayaw.
One family na raw ang turingan ng dalawa at naalala ng mga fans na naglalaro ng golf ang ‘magbayaw’ at minsan na ring pinadalhan ni Luigi ng longganisa si Daniel.
Sabi ng mga fans, ang sarap mag-ship ng relasyon na walang kontrabida at tanggap ng kani-kanilang pamilya. Wish nilang magpatuloy ang ganito para everybody happy.
Ikatutuwa ng mga viewers ng Family Feud (FF) ang episode ngayong Friday dahil may bibisita na mula sa Hollywood.
Naghulaan ang mga fans ng show hosted by Dingdong Dantes sa clue na, “Survey says... it’s going to be an iconic Friday! Tutok na sa Family Feud Philippines para sa isang pasabog episode na ‘di n’yo dapat palampasin!”
Kamay lang ang ipinakita ng bibisita at may nakasulat na, “From Hollywood to Manila?” pero alam na agad na si Steve Harvey ang tinutukoy. Ang aabangan ng mga loyal viewers ng show ay kung paano magkikita ang American host ng FF at ang Philippine host na si Dingdong.
Excited na ang mga viewers kung paano ang magiging interaction nina Steve Harvey at Dingdong sa show. Magtatanong ba in Tagalog si Harvey sa contestant ng FF Philippines hosted by Dingdong?
Matatandaang minsan nang binati ni Harvey si Dingdong at ipinalabas ‘yun sa show kahit boses lang nito ang narinig.
And speaking of Dingdong, magkasama sila ng daughter niyang si Zia Dantes bilang voice cast ng animated web series na Sun Chaser (SC). Hindi nabanggit ang karakter na bobosesan ng mag-ama, pero excited na ang mga supporters ni Zia.
Sa article ng Variety, kasama ang name niya sa cast at sa isa pang write-up, kasama ang name niya sa top cast.
Bongga ang first project ni Zia, animated web series, at bukod sa dad niya, kasama rin sa voice cast sina Charo Santos, Liza Soberano, JR De Guzman, Eugene Cordero, KD Estrada, AC Bonifacio at Manny Jacinto as the main actor. Fil-Am actor siya na minsan nang bumisita sa bansa.






Comments