top of page

Nagsimula sa camping, sa kasalan ang bagsak… NEIL KAY ANGEL: SA 2021, SA AKIN KA NA!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 2, 2021
  • 1 min read

Updated: Jan 9, 2021

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | January 2, 2021




"Nagsimula sa camping, sa kasalan pala mauuwi. Sa 2021, sa 'kin ka na (emoji kiss),” ito ang caption ng larawan nina Angel Locsin at Neil Arce noong payat pa sila na ipinost ng huli sa kanyang IG account na isinabay sa pagpapalit ng taon.

Sagot ng future bride na si Angel, “Through thick and thin.” Dugtong pa, “Sa 'yo naman ako.”


Say naman ni Neil, “Fishing lang po (red heart emoji).


"Grabe kayo!” komento ni Angelica Panganiban.


Nag-react naman ang bff nina Neil at Angel na si Bubbles Paraiso dahil magkakasama na naman sila sa larawan pero na-edit-out, “Sabi ko na sa 'yo, you will crop us out, eh."


Nakakatuwang basahin ang mga komento ng mga kapwa nila artista na masaya silang lahat para kina Neil at Angel.


Anyway, may request si Neil kay Chito Miranda sa mahabang caption ng IG post niya na sinagot naman ng huli ng, “Sige, sige. Hahahaha!”


Abangan ang nalalapit na pag-iisang-dibdib nina Neil at Angel ngayong 2021, ilang tulog na lang!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page