Nagsimula sa blind item… HEART, KUMANTA NA SA 'DI NA RAW NILA PAGTATABI SA KAMA NI CHIZ

ni Nitz Miralles - @Bida | February 12, 2021

Sina Sorsogon Governor Chiz Escudero at Heart Evangelista pala ang couple na na-blind item na hindi na raw natutulog sa same bed and same room.
Sina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang naisip ng mga nakabasa ng blind item dahil nang lumabas ito, tamang-tamang may balitang may nabuntis ang aktor.
Nalaman lang na sina Heart at Gov. Chiz ang na-blind item nang sagutin ng aktres sa vlog ang ilang tsismis sa kanya.
“Of course, we share the same room. Minsan-minsan na nga lang kami magkasama, ‘di pa kami magse-share.”
Sa Sorsogon madalas si Chiz, pero kung nasa Manila ito, sa iisang room at iisang bed sila natutulog.
Matagal nang tinanggap ni Heart na public servant ang asawa niya at dapat lang na unahin nito ang mga taong pinagsisilbihan kesa sa kanya. Magiging selfish daw siya kung magde-demand na lagi silang magkasamang mag-asawa.
Kapag nagsimula na siyang mag-taping para sa series niyang I Left My Heart in Sorsogon na may mga eksenang kukunan doon, magkakasama silang mag-asawa.
Speaking of Heart, may bagong international endorsement na naman ito, ang Lancaster na nang i-check namin ay designer bag sa Paris, France.
“I still can’t believe that I am now one of the new faces of @lancaster alongside the beautiful @realbarbarapalvin. I wish I could’ve been in Paris to shoot for this amazing brand but I’m still thankful nonetheless,” part ng post nito sa Instagram.





Comments