Nagsimula bilang child star... PAOLO, WALA PA RING SARILING BAHAY
- BULGAR
- Aug 7, 2023
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 7, 2023

Wala pa palang sariling bahay ang Kapuso actor na si Paolo Contis? ‘Yun ay sa kabila nang magsimula itong mag-artista noong bata pa lang siya, kaya wish ng kanyang manager na si Manay Lolit Solis ay makapagpatayo na si Paolo ng sariling bahay ngayong kumikita na siya nang malaki bilang host ng revamped Eat… Bulaga! na produced ng TAPE, Inc..
Si Paolo ang may pinakamalaking talent fee sa mga hosts ng EB!. Ayon na rin sa kanyang manager, nasa Bubble Gang pa rin naman ito. May mga offers din daw ito na mag-show abroad at may mga movie offers din.
Masasabing “man of the hour” si Paolo dahil lagi siyang may post sa social media. React kasi siya nang react sa mga ibinabatong isyu sa kanya ng mga bashers. Pero umingay naman ang EB! dahil sa kanya at nagmarka na rin siya sa mga viewers.





Comments