Nagsasama man, para lang sa anak… ELISSE, ‘DI NA FEEL MAKIPAGBALIKAN KAY MCCOY
- BULGAR

- 12 hours ago
- 2 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | March 2, 2026

Photo: IG _elissejoson & _mccoydeleon
Matapos kumpirmahin ang hiwalayan kay McCoy de Leon noong Hulyo, 2025, ang mundo ni Elisse Joson ngayon ay naka-focus na lang daw sa kanilang anak na si Felize at sa kanyang career.
Sa panayam sa aktres sa Moment to Moment with Coach Pia podcast, natanong siya kung may tsansa pa na magkaroon ng reconciliation sa pagitan nila ni McCoy.
“I think right now our focus is really on Felize and keeping the peace and harmony,” sagot ni Elisse.
Dagdag pa niya, “Kasi may mga times po na kahit anong try n’yo to fix your differences, ‘di po nagwo-work. So let’s leave it like that and focus on what matters.”
Sinabi rin ni Elisse na pareho nilang nais na palakihin nang tama ang kanilang anak kaya naman talagang sinigurado nilang magkaroon ng maayos na co-parenting set-up.
“So there are days na we will still go eat together as a family, play with her, spend time with her. So we really make an effort to be there for her, the both of us, with her,” sey niya.
Ipinaliwanag naman daw nila kay Felize na, “Mommy and Daddy are just friends now.”
‘Yun naman pala!
PAGKATAPOS tutukan ng sambayanang Pilipino ang isa sa pinakamasalimuot na linggo ng FPJ’s Batang Quiapo (BQ), aarangkada na ang mas pinatinding aksiyon sa pangunguna ni Tanggol (Coco Martin) para sa huling sampung gabi ng serye.
Raratsada na ang bakbakan dahil handa na si Tanggol para sa isang malaking digmaan laban sa pamilya Guerrero matapos ang sunud-sunod na pagkamatay ng pinakamamahal niyang tropa.
Matutunghayan na sa serye ang pagsiklab ng isang malaking rebolusyon tampok ang mga makapigil-hiningang komprontasyon kung saan makikipagsanib-puwersa si Tanggol sa taumbayan upang patalsikin sa puwesto ang mga Guerrero.
Isa sa mga dapat abangan sa mga susunod na episodes ay ang matinding girian sa pagitan nina Tanggol at Miguelito (Jake Cuenca) sa city hall ng Maynila. Sa kabila ng gulo sa Quiapo, maaaring may magbuwis din ng buhay dahil sa paggamit ng dahas laban sa mga kakampi ni Tanggol na sina Tindeng, Roda, at Ponggay (Charo Santos-Concio, Joel Lamangan, at Maris Racal respectively).
Sinu-sino kaya ang mga susunod na mamamaalam sa serye?
Sama-samang subaybayan ang huling laban ni Tanggol sa huling dalawang linggo ng FPJ’s Batang Quiapo sa Kapamilya Channel, ALLTV2, A2Z, iWant, at Kapamilya Online Live.




Comments