top of page

Nagsampa ng kaso vs. mga bashers… NADINE, SUPORTADO NI DE LIMA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 days ago
  • 3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | May 23, 2025



Photo: Nadine Lustre - Leila De Lima FB


Hindi na nakapagtimpi si Nadine Lustre sa mga bastos na bashers sa kanyang social media kaya pormal na siyang naghain ng reklamo laban sa mga ito.


Nangyari ang pagpa-file ng complaint ni Nadine ‘for violation of the Safe Spaces Act’ kahapon dahil sa malilisyosong pag-atake sa kanya ng ilang indibidwal o grupo sa socmed.


Sa Facebook (FB) account ni Leila de Lima, nagpahayag ng suporta ang kanilang partylist na ML sa hakbang na ito ni Nadine.


Isa ang aktres sa mga nag-endorso sa naturang grupo nitong nagdaang eleksiyon.

Kalakip ang mga litrato na kuha sa pagsasampa ng reklamo ni Nadine ang mensahe ng ML para sa kanilang supporter na celebrity.


Ayon sa post, “We at ML Partylist express full support for Nadine Lustre as she files a complaint for violation of the Safe Spaces Act in response to the relentless and malicious attacks she has endured.


“This is a necessary step in a time when social media is being used to silence voices that speak for justice and reform. Ginagamit ang mga plataporma para buwagin ang makabuluhang diskurso at palitan ito ng galit at paninira.


“We believe in freedom of expression. Pero ang kalayaang ito ay hindi dapat gamitin laban sa katotohanan, dignidad, at demokrasya.


“Expression becomes dangerous when it is driven by disinformation and personal malice. Marami sa mga lumalabas sa social media ngayon ay hindi maituturing na opinyon.”


Ayon naman sa dating senador na si De Lima, “These are part of deliberate effort to harass, discredit, and instill fear. May masamang intensiyon. May malinaw na layunin na patahimikin ang mga tumitindig,” hinggil sa reklamo ng aktres.


Patuloy pa niya, “We support Nadine. Her case is a stand for truth and accountability. Make no mistake: we will push back against this kind of behavior. Hindi ito katanggap-tanggap. Hindi ito dapat palampasin.”


Pinasalamatan din ng dating senadora ang award-winning actress.


Sey niya, “Maraming salamat, Nadine, sa tapang at paninindigan. Sa bawat hakbang mo, mas lumalakas ang laban para sa isang makatao, makatarungan, at demokratikong lipunan.”


Insecure raw sa dating misis ng businessman…

RUFFA, HINARANG PA-EUROPE NG BAGONG BABAE NI YILMAZ


Ayon kay Ruffa Gutierrez, nakatanggap siya ng mensahe mula sa babaeng nagsabing karelasyon umano siya ni Yilmaz Bektas, ang ex-husband ng former beauty queen.


Insecure umano ang kasalukuyang karelasyon ng dating asawa. Ayon sa sitsit, mariing pinakiusapan ng naturang babae si Ruffa na huwag na huwag sasang-ayon sa imbitasyon ni Yilmaz na pumunta ng Europe upang muling magkita ang dating mag-asawa.


Hindi lang daw si Ruffa ang nakatanggap ng mensahe mula sa nasabing babae, kundi pati na rin ang kanilang anak na si Lorin at ang ina ng aktres na si Annabelle Rama.

Piniling manahimik ng former beauty queen at hindi na lang pinatulan ang isyu. Hindi na rin niya tinanong si Yilmaz tungkol sa pagkakakilanlan ng nasabing babae para hindi na lumaki pa ang isyu.


Matatandaan na noong Marso, ibinahagi ni Ruffa na gusto siyang pakasalan muli ng ex-Turkish businessman. Nais din umanong bumisita nito sa ‘Pinas. 


Pagkalipas ng ilang araw, kinumpirma mismo ni Yilmaz na bibisita siya sa kanyang dating asawa.


Sa gitna ng mga ulat na ito, lumabas ang isyung may babaeng nagseselos at sinasabing may matagal nang ugnayan kay Yilmaz at sinisiraan pa ang ex ni Ruffa hinggil sa attitude nito.


Dedma na lang naman ang TV host-actress dahil sa kasalukuyan ay masaya siya sa kanyang buhay-pag-ibig with Herbert Bautista.


Sa social media, makikita ang kanilang mga sweet moments na tila isang ‘hard launch’ ng kanilang relasyon.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page