Nagsampa na ng kaso… IVANA, HINAHABOL ANG P4.8 M SA 2 NEGOSYANTE
ni Julie Bonifacio @Winner | February 25, 2023

Sinuportahan ni Ivana Alawi ang claim ng dalawang businesswomen sa radio program ni Sen. Raffy Tulfo na nabiktima rin gaya niya ng mag-partner na negosyante/manufacturer.
Idinetalye ng dalawang babaeng negosyante na sina Vera Joy Magtibay at Jonah Sison Ramos kung paano sila nabiktima ng business partners-manufacturers ng slimming fruit drinks na sina Ronelle Jay Evangelista and Charles Christian Arriza.
Nagsampa na raw ng kaso si Ivana laban sa mag-partner na businessmen last year.
“We (already) filed a case kasi ‘yung pera, hindi nila ibinabalik. Because, unang-una, nagpa-formulate kami. (Pero) Hindi nila magawa 'yung formulation na exclusive sa amin and hindi naman pala nila kaya ‘yung mga premium ingredients,” pahayag ni Ivana.
Sinabihan na raw ni Ivana ang mag-partner last year pa na ibalik na lang ang pera niya since hindi nila magawa ang formulation na requirement ng sexy star.
As much as possible, ayaw daw ni Ivana na magkaroon ng isyu at magsampa ng kaso sa tao.
“Pero of course, nu’ng nag-file na po kami ng case and, kaya naman ako magsasalita din when we file the case, we let our lawyers handle everything. Pero ‘yung nakakaawa po, ‘yung nalungkot ako, marami pala silang niloloko. So, parang modus na pala nila ‘yan, to get money from people,” paglalahad ni Ivana.
May mga lumapit na raw kay Ivana na nabiktima rin nina Ronelle at Charles. Hindi lang daw hundreds of thousand pesos ang halaga kundi milyones.
Kay Ivana ay umabot sa halagang P4.8 milyon ang naibigay na niya kina Ronelle amd Charles, habang si Vera Joy ay nag-file na rin ng case worth P3 M.
Sa true lang, na-meet na namin personally ang business partners na sina Ronelle and Charles sa bonggang launching ng isang slimming fruit drink na ginanap sa kilalang mall sa San Mateo last year.
In fairness, ang daming kilalang performers at may sikat na vloggers pa ang umapir sa launching.





Comments