Nagsama ng 1 day… BINI MIKHA, BUMIGAY KAY IÑIGO

ni Beth Gelena @Bulgary | September 21, 2026

Photo: IG _inigopascual & _BINI_Mikha
Matapos ang ilang panahong hindi gaanong nakatutok sa musika, muling nagbabalik si Iñigo Pascual sa kanyang unang minahal na larangan sa pamamagitan ng bago niyang self-penned (sariling sulat) single na Pagdating ng Panahon (PNP).
Ang kanta ay nagsisilbing comeback single ni Iñigo sa Star Music at pagpapatuloy ng kuwentong sinimulan niya sa Ikaw at Ikaw.
Ikinuwento ni Iñigo sa isang panayam na sinimulan niyang isulat ang PNP habang ginagawa ang kanyang bagong album.
Bagama’t may mga kantang naisulat na ng ibang songwriters at naaprubahan na para sa album, naisip pa rin niyang isulat ang matagal na niyang nasa isip.
“For me, the process for Pagdating ng Panahon, it was just kind of like a leak for Ikaw at Ikaw. It was like a continuation of my thought from Ikaw at Ikaw,’” sey niya.
Ayon sa unico hijo ni Piolo Pascual, ang bagong kanta ay para sa mga taong magkahiwalay dahil sa distansiya ngunit patuloy na kumakapit sa pag-asang kakayanin ng pag-ibig ang mga pagsubok.
Inamin din niya na may bahid pa rin ng tunog ng kanyang hit song na Dahil Sa ‘Yo ang bagong single, pero mas malalim umano ang emosyon at kuwentong hatid nito.
“It still has that pinch of Dahil Sa ‘Yo, but it’s way more malalim,” esplika ng aktor-singer.
Ang amang si Papa P ang creative producer ng music video ng PNP na hindi itinago ang paghanga sa kakayahan ng anak bilang songwriter at storyteller.
“With Pagdating ng Panahon, it was easy for me to understand what he was trying to communicate,” ani Papa P.
“I would always say as much as you guys are fans, I’m also a fan. I’m his number 1 fan,” dagdag pa niya.
Makakasama ni Iñigo sa music video ang BINI member na si Mikha Lim.
Ayon sa singer, naging madali ang kanilang pagsasama sa shoot dahil matagal na silang magkaibigan at komportable sila sa isa’t isa.
“It was so natural. I feel like we have a natural banter with each other,” sey ng P-Pop girl group member.
Ibinahagi rin ni Mikha na kusa niyang ibinigay ang kanyang rest day nang yayain
siya ni Iñigo na maging bahagi ng proyekto.
“I told him I was like, ‘Okay, go lang, kunin mo ang rest day ko.’ Isang araw lang naman, eh. Saka, he’s one of my good friends… I’m flattered kasi s’yempre, he chose me,” dagdag ni BINI Mikha.
‘Di raw kontrolado, Ruru…
BIANCA, NAUNTOG NA ‘DI PUWEDENG HINDI MASAKTAN
Sa isang episode ng podcast ni Bianca Umali na Simply B, naging open ang aktres tungkol sa kanyang dating pananaw sa ‘healing’ at kung paano ito nagbago habang siya ay lumalaki dahil sa iba’t ibang karanasan niya sa buhay.
“Akala ko, ang healing ay meant becoming stronger so that nothing could hurt me anymore,” pahayag ni Bianca.
Pero napagtanto niyang hindi pala kailangang mawala ang sakit para masabing gumaling na ang isang tao.
Patuloy niya, “But maybe I’ve realized that healing is actually learning how to accept that pain exists, and still I am capable of choosing how I want to see the world, who I want to be despite it.”
Sa kanyang caption sa podcast-related post, ibinahagi ni Bianca, “Healing is not about becoming stronger, so nothing can hurt you anymore.”
Ipinaliwanag din ng aktres na hindi maiiwasan ang mga pagkakataong mabigo, mawalan o masaktan dahil aniya, hindi natin kontrolado kung paano tayo pakikitunguhan ng mundo at ng ibang tao.
“Because we really can’t control how the world treats you, people will disappoint us, things will be taken away from us and there will always be pain,” esplika niya.
Sa isang panayam kamakailan, ikinuwento ng aktres na limang taong gulang siya nang pumanaw ang kanyang ina at 10 taong gulang naman nang mawala ang kanyang ama. Matapos nito, sa kanyang lola na siya lumaki.
Kasama ni Bianca ang iba pang apo ng kanyang lola na 14 na babae, ayon sa kuwento ng aktres. Kaya naman, malaking bahagi ng kanyang mga personal na kuwento ang pamilya, lalo na ang kanyang lola na naging mahalagang bahagi ng kanyang paglaki.





Comments