top of page
WINNER - BEA AT VINCENT, NAG-UNFOLLOW SA ISA'T ISA, FAKE NEWS_IG _jomar aviary TikTok

Nagsalita rin sa dedmahan daw nila noon… DAVID, UMAMIN KUNG BAKIT ‘DI FEEL MAGING DYOWA SI BARBIE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 days ago
  • 4 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | June 19, 2026



David Licauco

Photo: Bulgar Interview



Join na ang events host at content creator na si Janeena Chan sa mga matagal nang endorsers-ambassadors ng Blue Water Day Spa. 


Sa ginanap na media launch kahapon sa Blue Water Day Spa sa Eton Greenhills, ipinakilala si Janeena sa “Summer Unwind” event kasama ng mga dati nang ambassadors na sina Teejay Marquez, David Licauco at ang mag-asawang Fabio Ide at Ellen Frojd.


In fairness, nag-blend naman si Janeena sa kanyang mga co-ambassadors lalo’t pare-pareho ang hilig nila – ang Chiang Mai Massage, Thai Yoga Massage at ang advanced 5D Laser Treatment ng BWDS dahil pare-pareho nga raw silang laging pagod sa trabaho.


Para sa limang BWDS endorsers, napakaimportante ng wellness dahil pambalanse ito ng katawan sa kanilang tiring schedule bilang mga celebrities. Kaya ‘pag gusto nilang mag-relax at magtanggal ng stress, nagpapa-book na talaga sila agad sa BWDS, lalo na nga si Janeena na minsan na palang nagkaroon ng Bell’s Palsy nu’ng 2016.





Si David naman, kung o-offer-an daw siyang magkaroon ng sariling franchise niya ng BWDS, why not, lalo’t isa siyang businessman at open sa pagta-try ng mga business opportunities.


In fact, nasa negosyo talaga ang focus niya ngayon bukod sa pag-aartista. Kaya kung nakikita mang may ka-date siya, natural lang daw ‘yun pero hindi talaga love life ang first priority niya.


Hindi rin daw gusto ni David na pinag-uusapan ang personal life o love life niya in public, at ito ang dahilan kaya mas preferred niya ang non-showbiz GF.


Kaya naman, nagpakatotoo rin si David na isa nga ito sa mga reasons kung bakit hindi nag-level-up ang closeness nila ng kanyang dating ka-love team na si Barbie Forteza. Although, ‘friends’ naman daw talaga sila until now.


Samantala, isa rin sa mga nilinaw ni David sa aming panayam sa kanya ay ang dedmahan daw nila ni Barbie nu’ng magkita last year sa soft launching ng isa sa mga fast food franchise ni Alden Richards.


Sabi ni David, hindi naman daw sila nagdedmahan, nahiya lang daw siya sa ka-love team na si Barbie that time dahil late siya. 


At kung bibigyan pa sila ng project together, willing pa rin naman daw siyang makasama uli si Barbie Forteza.


So, ayun naman pala! Eh, di yayain din niya si Barbie para mag-bonding sila sa BWDS. Charot! 





Pops Fernandez and Kim Atienza, hosts ng 9th Eddys



ISANG maningning at puno ng kasiyahang pagtatanghal at pagbibigay-parangal sa mga natatanging bituin at bumubuo sa mga pelikulang Pilipino ang inaasahan sa nalalapit na 9th The Eddys (Entertainment Editors’ Choice) sa ika-5 ng Hulyo sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom, Newport World Resorts sa Pasay City.


Sa pag-oorganisa ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd), ang seremonya ay pangungunahan ng mga hosts na sina Concert Queen Pops Fernandez at batikang TV anchor Kim Atienza.





Ang mga natatanging pelikulang Pilipino na ipinalabas sa iba't ibang platforms sa nakalipas na taon ay maglalaban-laban para sa mga parangal sa labing-apat na kategorya, kabilang ang Best Picture, Best Director, Best Actor, at Best Actress.


Magbubukas ang programa sa isang special production number kasama sina Fred Moser at Kanata Tapia ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 at ang cast ng advocacy drama na I’m Perfect.


Ipepresenta naman ng Kapuso actor at AKTOR PH chairman na si Dingdong Dantes ang mga nagawa at patuloy na mga hakbangin ng organisasyon sa pakikipagtulungan sa SPEEd, habang ang dalawang grupo ay patuloy na bumubuo ng mga programa sa pakikipag-ugnayan sa komunidad at pakikipagtulungan sa industriya.


Pangungunahan ng singer na si Jamie Rivera ang isang taos-pusong pagtatanghal para sa posthumous tribute segment. 


Maghahandog ng espesyal na awitin ang bossa nova singer na si Andrea Gutierrez at ang singer-songwriter na si David Young bilang pagsasara ng programa.


Ang ika-9 na edisyon ng The Eddys ay ididirek ng concert director na si Calvin Neria, mula sa produksiyon ng Echo Jham sa ilalim ng pamamahala ni Ms. Mhae Sarenas.


Ang taunang kaganapan ng SPEEd ay sinusuportahan ng Playtime Entertainment, Manila Marriott Hotel, Globe Telecom, Unilab Inc., Sound Check, at Beautéderm Corporation.


Nagsilbing pangunahing venue partner ang Luxent Hotel. Dito isinagawa ang screening ng mga nominadong pelikula at ang natakdang pag-aanunsiyo sa Hunyo 25 ng mga nominado sa bawat kategorya, kung saan si QC Councilor Alfred Vargas ang magiging espesyal na panauhin.


Tulad ng mga nakaraang taon, ang Chan Robles & Company sa pangunguna ni Juancho Robles ang mangangasiwa sa pagbibilang ng boto upang tiyakin ang transparency sa proseso ng pagpili.


Kasalukuyang pinamumunuan ni Tessa Mauricio-Arriola ng The Manila Times, ang SPEEd ay binubuo ng mga entertainment editor at mga mamamahayag mula sa mga pangunahing broadsheet, tabloid, at nangungunang online news portal sa buong bansa. 


Ang Eddys ay nagsisilbing paraan ng grupo sa paghikayat sa mga Filipino filmmaker, producer, manunulat, aktor, at iba pang kaalyadong artista sa industriya ng pelikula sa Pilipinas na ipagpatuloy ang kanilang hilig sa paglikha ng mga pelikulang sumasalamin sa realidad ng lipunan habang kinikilala rin ang artistikong merito at epekto sa takilya.


Para sa iba pang detalye, pumunta lang sa opisyal na Facebook page ng The Eddys (The Entertainment Editors’ Choice).


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page