top of page
Search
  • BULGAR

Nagsalita na sa kumalat na art card… MAINE, IDINENAY NA SINABING IIWAN SI ARJO ‘PAG ‘DI NAGBAGO

ni Janiz Navida @Showbiz Special | March 23, 2024




Hindi pinalagpas at pinalagan ni Maine Mendoza ang kumalat na post daw niya sa social media kung saan ganito ang nakalagay: "Girls, tandaan niyo na it's not about finding the right man. It's becoming the right man for you. Kapag hindi nagbago kahit sinabihan mo na. Iwan mo na." 


Sa kanyang Facebook post last March 21, diretsahang itinanggi ni Maine ang naturang post.


Aniya, "Uy, hindi ko po ito sinabi, ha? ‘Wag agad maniwala sa mga nababasa online." 


Tama lang na ikinorek agad ni Maine ang naturang post dahil kung uunawain ang laman ng mensahe ng naturang fake statement ng Eat Bulaga! host, puwedeng mag-one plus one ang mga Marites sa social media na may problema ang pagsasama nila ng mister na si Arjo Atayde at baka isipin pang may pinagdaraanan sila.


Hindi si Maine ang unang biktima ng mga ganitong klase ng post sa social media.


Pumalag na rin sa ganyang klase ng fake statement si Sarah Lahbati na gamit na gamit ng mga gustong kumita lang sa kanilang mga vlogs at social media platforms kaya kesehodang gumawa ng fake statements para pag-awayin sila ng biyenang si Annabelle Rama ay ginagawa ng mga lintek!


Ang mas inaabangang announcement ngayon mula kay Maine ay kung totoo nga bang buntis na siya at hindi kung may problema sila ni Cong. Arjo Atayde.


 

‘Di si Pia kahit beauty queen pa…

SARAH, MAS BAGAY ITAPAT KAY HEART




Speaking of Sarah Lahbati, maraming netizens ang nakapuna na blooming na uli ngayon ang estranged wife ni Richard Gutierrez after ng ilang buwan mula nang mapabalitang hiwalay na sila.


Mukhang naka-move on na raw si Sarah at feeling nga ng ilang netizens, baka may bago nang nagpapasaya sa aktres kaya fresh ang aura.


Hanga rin ang mga fans ni Sarah sa pagmo-model niya sa kanyang IG account ng kanyang mga ine-endorse na products.


Ang galing-galing daw mag-project ni Sarah at sosyal na sosyal ang dating.


Kaya may mga nagsabi pang kung may bagay itapat kay Heart pagdating sa kasosyalan na hindi trying hard, si Sarah Lahbati raw ‘yun at hindi si Pia Wurtzbach.


May mga nababasa kasi kaming comments sa social media na bagama’t may titulong Miss Universe si Pia, trying hard daw ang dating nito sa panggagaya kay Heart, unlike Sarah na effortless ang pagiging classy at sosyal.


Hmmm… may point!



0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page