Nagsalita na rin kay Kyline… ALEXA MIRO, UMAMING GOOD FRIENDS NA SILA NI SANDRO
- BULGAR

- 4 minutes ago
- 3 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | December 21, 2025

Photo: FB Alexa Miro & Sandro Marcos
First time magprodyus ng pelikula ni Gerald Anderson at pang-MMFF pa, ang Rekonek na pinagbibidahan niya kasama sina Charlie Dizon, Bela Padilla, Andrea Brillantes, Gloria Diaz, Legazpi Family na sina Carmina Villarroel, Zoren Legazpi, Cassy at Mavy, Alexa Miro, Raf Pineda at Daumier Corilla.
Mahirap at magastos daw pero mukhang nag-enjoy naman si Gerald lalo nang makita at marinig ang positive feedback ng mga nanood sa premiere night ng Christmas-themed movie nila na palabas na sa Dec. 25 mula sa direksiyon ni Direk Jade Castro.
Kaya naman after Rekonek, may balak pa raw si Gerald na magprodyus uli ng movie at serye dahil parang giving back na rin daw niya ito sa showbiz industry na nagbigay ng puwang sa kanya at nagpabago sa kanyang buhay.
Sa Rekonek, kapareha niya si Charlie Dizon, at in fairness kay Gerald, lahat ng nakakapareha niya ay may chemistry siya. Mabuti na nga lang at kasal na si Charlie kay Carlo Aquino at happy ang marriage ng dalawa or else, mali-link din ang aktres kay Gerald.
Napaka-effortless naman ng pang-aagaw-eksena ni Miss Universe Gloria Diaz na umani ng tawanan ang mga hirit na linyahan sa movie.
Hindi rin nagpatalo sa kanya si Andrea Brillantes na todo-bigay sa acting pero parang may pagka-OA na, ha? Buti na lang at kasama niya si Bela Padilla para bumalanse sa kanya.
First time naming napanood umarte si Alexa Miro sa Rekonek at in fairness, nakakaarte rin pala siya kahit nag-start siyang maging TV host.
Nakausap namin
Todo-effort din ang acting na ibinigay ni Andrea Brillantes pero may pagka-OA lang para sa amin ang dating niya sa ilang eksena.
Buti na lang at kasama niya si Bela Padilla para bumalanse sa kanya.
First time rin naming napanood na umarte si Alexa Miro sa Rekonek at in fairness, marunong naman siyang umarte kahit nag-start siyang makilala bilang TV host.
Nakausap namin si Alexa sa Parade of Stars at nakumusta namin kung totoo bang sinusuyo siya uli ng ex-boyfriend na si Presidential Son Sandro Marcos.
May nakapagtsika kasi sa aming sinusuyo raw ulit siya ni Sandro kahit pa balitang may Kyline Alcantara na ito.
Ang kinumpirma sa amin ni Alexa, good friends na sila ngayon ni Sandro at nakapag-usap na nang maayos pero hindi sila nagkabalikan.
About Kyline, narinig din daw niya ang tungkol dito at kay Sandro pero ‘di niya ma-confirm dahil wala raw siyang alam.
Sa ngayon, masaya raw si Alexa sa itinatakbo ng kanyang career lalo't kasama siya sa Rekonek.
Hindi pa raw siya handang magka-boyfriend uli at career ang priority niya ngayon.
Anyway, palabas na sa Dec. 25 ang Rekonek mula sa direksiyon ni Jade Castro.
BFF, nagtampo raw dahil dedma siya…
DUSTIN, ‘DI FEEL IMBITAHAN SI DAVID SA MOVIE NIYA
SOLID ang cast ng Shake, Rattle and Roll: Evil Origins sa premiere night at Parade of Stars.
Dumating ang main cast na sina Richard Gutierrez, Carla Abellana, Francine Diaz at Seth Fedelin, Fyang Smith at JM Ibarra at iba pang kasama sa movie.
Ang lakas ng takot factor ng movie at ngayon pa lang, mukhang hahakot ito ng awards lalo na sa production design.
Magagaling din ang mga artistang nakuha ng mag-inang Roselle at Keith Monteverde ng Regal Entertainment dahil walang tapon, ‘ika nga.
Action star na talaga ang packaging ngayon ni Richard Gutierrez at mas lumutang ang kanyang pagka-aktor.
Hindi naman nagpahuli sa kanya si Dustin Yu na kahit matinee idol ay may ibubuga rin sa action.
Tinanong nga namin si Dustin kung iimbitahan ba niya ang BFF na si David Licauco na panoorin ang SRREO dahil kamakailan ay naging issue nga ang tampuhan nila.
Pabiro namang sagot ni Dustin, “Hindi ko na siguro siya iimbitahin kasi nagtatampo raw.”
Pero aniya, after ng busy sched niya, babawi talaga siya kay David.
Samantala, malakas din talaga ang chemistry nina Francine at Seth at nina Fyang at JM at ang lakas ng tilian ng mga fans sa mga eksena nila kahit horror pa.
No wonder na ang lakas din ng hatak sa bagets crowd ng SRREO.
‘Kaaliw naman ang mga eksena ni Sassa Gurl na sinasabing the next Vice Ganda, ha?
Sa episode na 1775, lutang din ang galing nina Janice de Belen, Carla Abellana at Loisa Andalio.
Ang lakas din ng tilian kay Kaila Estrada na kasama sa 2025 episode, at kahit short lang ang role ay tumatak din.
Mula sa direksiyon nina Shugo Praico, Joey de Guzman at Ian Lorenos, showing na sa Dec. 25 ang Shake, Rattle and Roll: Evil Origins.








Comments