top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Nagpiyansa sa acts of lasciviousness… VHONG, KULONG SA RAPE

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 20, 2022
2 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | September 20, 2022


Nakapagpiyansa si Vhong Navarro kahapon, Lunes, sa Metropolitan Trial Court sa Taguig City para sa isinampang kasong Acts of Lasciviousness ng kampo ni Deniece Cornejo.


Humarap sa korte at nagpiyansa si Vhong kasama ang kanyang legal counsel na si Atty. Alma Mallonga sa halagang P36,000.


Ayon sa mga ulat, ang presiding judge na si Judge Angela Din ng Metropolitan Trial Court ng Taguig City ang nagsabing may “probable cause” para litisin ang kaso.


Gayunman, ilalaban daw ni Vhong at ng kanyang abogado na si Atty. Mallonga na walang katotohanan ang akusasyon sa kanya na inabuso niya si Deniece.


Muli ay inilabas ni Atty. Mallonga ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari kina Vhong at Deniece noong gabi ng January 22, 2014 sa condo unit ng dalaga sa Taguig City.


Nabasura ang unang kasong rape na isinampa ng kampo ni Denice laban sa It’s Showtime host sa Office of the Prosecutor ng Taguig at sa Department of Justice noong 2014.


Pero nabaligtad ang desisyon ng Court of Appeals last July. Hindi raw maintindihan ng legal counsel ni Vhong ang pag-akyat ng kaso sa Taguig court nang wala pang final resolution ang Court of Appeals kung saan may nakabinbing motion for reconsideration ang kampo ni Vhong.


Naglabas naman ng kanyang saloobin si Vhong tungkol sa pagsampa muli ng kaso pagkatapos madesisyunan ang unang reklamo na inihain laban sa kanya ng kampo ni Deniece eight years ago.


“'Yun nga ang nakakalungkot,” himutok ni Vhong. “Kasi nga, akala namin nina Attorney at ng aking legal team, tapos na, patapos na. Kaya nagulat kami after ng ilang years, eto ulit, nabuhay.


At parang ako pa ‘yung nababaligtad, na (gayung) ako ‘yung biktima. So, parang ang hirap paniwalaan.


"So, ako, mula nu’ng 2014, inilatag ko lahat ng nangyari. Wala akong itinago. Sinabi ko lahat.


Alam ng Panginoon ‘yun na magsasabi ako nang totoo. Kaya ngayon, ang bigat ng pakiramdam ko. Kasi nga, bakit ganito? Para mabuhay at the same time, ngayon, binabaligtad ako.”


Sa true lang, marami talaga ang nagulat at nagtaka sa pagbuhay muli ng kaso laban sa It’s Showtime host.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page