Nagpi-piano sabay kanta… DEREK, 'POP STAR' ANG TAWAG KAY ELLEN
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | October 15, 2022

Passion ni Ellen Adarna ang pagi-piano kaya 'pag may time ay uupo ito sa harap ng piano at kahit 'di singer ay bibirahan ng kanta habang tumutugtog.
Sa IG ni Ellen ay nagkomento ang mister niyang si Derek Ramsay ng "My pop star."
Sa posted video ni Ellen while playing piano, makikitang sinasabayan niya ang 90's song na Say What You Want ng Texas.
Ani Derek, “My pop star,” na may kasamang heart emojis.
Ni-reply-an naman ni Ellen ng simpleng emojis ang kabiyak.
Kamakailan naman ay may ishinare ang aktres na larawan nila ng anak na si Elias Modesto kung saan binisita nila ang Malagos Chocolate Museum sa Davao.
Aside sa pagpapakain ng mga ibon ay sumakay ang celebrity mom and son sa kalesa. Tuwang-tuwa ang mga netizens sa happy bonding ng mag-ina.





Comments