top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Nagpatutsada sa mga pulitikong magnanakaw…ANGELICA, NIRESBAKAN, TINAWAG NA STARLET

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 3, 2022
2 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | February 03, 2022




Havey ang ginawang voting campaign video ng aktres na si Angelica Panganiban sa mga netizens.


Ang daming natuwa sa video ni Angelica kaya naman nag-top trending ito sa Twitter kahapon.


Inihalintulad ni Angelica sa nangyari sa kanyang love life ang tamang pagpili ng mga kandidatong iboboto para sa May election.


Narito ang huling bahagi ng voting campaign video ni Angelica, “Kaya ngayong eleksiyon sa May, 2022, ingat-ingat sa mga tao. Kilatising mabuti ang mga manliligaw. Halughugin ang bio-data mula high school hanggang college. Alamin at tingnan ang character references.


‘Wag magpapabudol at ‘wag sa magnanakaw!”


Sang-ayon at nagpasalamat ang mga netizens sa video ni Angelica.


“No names pero ang daming triggered. Thank you for this, Angelica Panganiban!”


“I love this! Thanks for the reminder, Angelica Panganiban!”


“Angelica Panganiban did not even mention a candidate's name but it triggered the apologists.


Imagine if more artists like Kathryn Bernardo, Liza Soberano, Nadine Lustre, Angel Locsin, etc. would speak up just like how the artists in the US spoke against Trump.”


Wow, pang-Tate ang leveling, hah?


Gaya ng maraming netizens, ipinost din ni Bianca Gonzalez ang video ni Angelica kung saan umani ito ng maraming comments.


“Miss @iamsuperbianca dapat talaga kayong mga celebrities, gagawa ng ganito para mamulat ang mga botante sa kasinungalingan ngayon. Laganap na laganap ang fake news sa socmed, 'yung tama, ginagawa nilang mali, 'yung mali, ginawa nilang tama. I salute you, Miss Angelica Panganiban para rito.”


Ayon sa comment-post na nakita namin, wala raw talent fee si Angelica sa ginawa niyang video.


As usual, may ‘di rin natuwa sa video ni Angelica. Katunayan, may nag-tweet na netizen kung saan tinawag siyang starlet.


Pero todo-tanggol din naman sa kanya ang iba pang netizens.


"Starlet??? Angelica??? The F is that guy talking about?! Nayanig sila dahil big name ang nagsabi, 'di gaya nu'ng mga bold star nila.”


‘Yun na!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page