Nagpatutsada sa flood control, kalsada kaya palpak… “KASI TINIPID” — SARAH
- BULGAR
- 3 days ago
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | September 1, 2025

Photo: Sarah Geronimo - IG
Nakuha ni Sarah Geronimo ang atensiyon ng mga netizens dahil sa kanyang komento hinggil sa campaign ad ni Dra. Vicki Belo.
Sa isang video na nai-post sa opisyal na Instagram (IG) page ng celebrity doctor na
si Vicki Belo, may sey si Sarah. Isa lang ang singer-actress sa maraming celebrity endorsers ng beauty clinic ni Vicki.
Ang video ay kinunan sa isang endorsement event kung saan ang mister ni Dra. Vicki na si Dr. Hayden Kho ay nagpapaliwanag tungkol sa ceramide.
Aniya, tatatakin nito ang kabuuan ng balat para ma-trap ang tubig.
With this, sey ni Sarah, “Pero ‘yung kalsada du’n, Dok, hindi naa-absorb ‘yung tubig,” na pumukaw sa atensiyon ng publiko.
Dagdag pa ng Popstar Royalty, “Kasi tinipid.”
Pero bumawi naman ang singer-actress, “Pero ang Belo products ay hindi tinitipid.”
Natawa sina Vicki at Hayden sa sinabi niya habang patuloy na nagsisigawan ang mga tao.
Sa comment section ng post, umani ng papuri si Sarah mula sa mga netizens. Hinangaan nila ang tapang ng misis ni Matteo Guidicelli na magbigay ng opinyon, kahit kaunti, tungkol sa isyung flood control sa Pilipinas. Pinag-uusapan online ang diumano’y maanomalyang mga proyekto sa pagkontrol ng baha sa iba’t ibang bahagi ng bansa na kinasasangkutan umano ng mga contractors.
Komento ng mga netizens sa tinuran ni Sarah…
“Love it. Parang first time ko marinig si SG maging vocal about politics. Nakaka-proud.”
“OMG I’ve never seen her be this vocal about political issues! I love this for her.”
“Once in a lifetime lang ‘yan magsalita, ang Queen SG namin, pero sapul na sapul. Forever Belo baby talaga si SG.”
“Ang galing ni Sarah sumegue (segue) ng sagot dito. Tawang-tawa ako.”
Bongga!
Kumalat na DNA result nilang mag-ama, fake raw… DEREK: ANAK KO SI LILY, LOYAL WIFE SI ELLEN
HINDI mapigilang mag-react ni Derek Ramsay sa kumakalat na fake news sa social media tungkol sa anak nila ni Ellen Adarna.
Sa kanyang Instagram (IG) Stories, ibinahagi ni Derek ang screenshot mula sa isang Facebook (FB) post na diumano’y naglalaman ng DNA test niya at ng anak nilang si Liana kasama si Ellen.
“Stop spreading lies about my family!” sambit ni Derek.
“Lily is my daughter, and Ellen is a loyal wife! I don’t know how you can sleep at night spreading lies like this!” dagdag pa niya.
Well, ang dami talagang lumalabas na fake news hinggil sa mag-asawa. Meron pa ngang nagsasabing nag-file na umano ng divorce ang aktor para maging legal daw ang kanilang paghihiwalay.
Ikinasal sina Derek at Ellen noong Nobyembre 2021. Noong 2024 naman ipinanganak ni Ellen si Liana.
Mayroon ding isa pang anak si Derek, ang panganay na si Austin sa dati niyang asawa, gayundin si Ellen na may anak na rin sa dating partner na si John Lloyd Cruz.
Ang tsismis tungkol sa celebrity couple ay hindi matigil hangga’t hindi sila nagsasalita sa kung ano nga ba ang real score ng kanilang relasyon. Pawang haka-haka lamang ang lumalabas na pinagkakakitaan ng mga content creators.
NAALIW si Andi Eigenmann nang mapanood ang fiancé na si Philmar Alipayo sa Netflix.
Na-feature kasi ang mister niya sa isang docuseries na 1 in 7641.
Ang naturang show ay nag-e-explore sa bansa para mai-feature ang rich history, culture, at cuisine through the kaleidoscope of Filipino identity natin.
Ayon kay Andi, ang episode na kinabibilangan ni Philmar ay ang Board Culture. Hindi naman nakalimutan ni Andi na i-share kung saan mapapanood si Philmar.
Samantala, hindi niya napigilang biruin ang mister nang mapansin ang makapal na white cast sa mukha nito.
“Who’s your makeup artist dito? Kapal ng makeup mo. #ZincSunscreen,” pabirong caption ni Andi sa kanyang post, na tumutukoy sa dami ng sunscreen na naka-apply sa mukha ni Philmar.
Matatandaang sa mga nakaraang taon ay tuluyan nang lumayo si Andi sa showbiz para mamuhay nang simple at payapa sa isla. Sa ngayon ay settled na siya sa Siargao kasama si Philmar at ang kanilang mga anak.
Well, todo-support talaga si Andi Eigenmann sa mister niyang si Philmar Alipayo. ‘Kakilig!
Comments