top of page
Search
  • BULGAR

Nagpatanggal ng pekeng boobs… AJ, BABU NA SA PAGHUHUBAD

ni Melba R. Llanera - @Insider | May 16, 2023




Eksklusibo naming nakapanayam si Jeric Raval sa nakaraang birthday bash ni Tita Aster Amoyo at dito ay kinumusta namin sa kanya ang anak na si AJ Raval.


Pinatanggal na ng sexy star ang silicone sa kanyang dibdib na nagbigay pala ng problema noon sa aktres.


Pagkukuwento sa amin ni Jeric, noon pa niya ipinapayo sa anak na ipaalis na nito ang breast implants dahil pagkatapos ng isang buwan, sumakit ang likod ni AJ at hindi rin daw komportable ang kanyang pakiramdam.


Dagdag pa ni Jeric, komportable lang ang anak kapag nakahiga, pero hirap na 'pag nakatayo. Kaya nu'ng tinanggal na nga ang breast implants niya ay instant ginhawa.


Sa tanong namin kung magbabago na ba ng imahe si AJ, ang nakarating kay Jeric ay gusto ng anak na gumawa na ng mga proyekto na makikita ang husay nito sa pag-arte.


Samantala, masaya si Jeric sa itinatakbo ng kanyang career at bukod sa pelikula ay magiging parte na rin siya ng pagbabalik sitcom ni Sen. Bong Revilla, Jr. na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis sa GMA-7.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page