top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Nagpasaklolo, walang napala… ROBIN, BINANATAN ANG NBI NA SUMUSUWELDO, WA' NAMANG SILBI

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 13, 2020
  • 2 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | November 12, 2020




Dismayado ang mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodriguez dahil sa kabila ng sitwasyon natin ngayon na may pandemic na, may ilan pa ring walang magawa na nagpapakalat ng fake news.


And worse, kailangan pang pumatay ng tao ng ilan, na kung hindi pera ang dahilan (ginagamit sa kanilang YouTube vlogs ang fake news para makahatak ng manonood) ay ewan na lang!


Eto nga kasi, biktima na naman si Robin ng fake news at may nagpakalat na naman sa social media na pumanaw na ang mister ni Mariel.


Natural lang na maalarma ang mag-asawa dahil paano nga naman ang mga kapamilya at kaibigan nilang maaaring atakihin sa puso kapag nabigla sa natanggap na balita na fake lang naman nga?


Pero ang siste, kung dismayado na nga sina Robin at Mariel sa ilang taong walang ibang inisip kundi ang kumita ng pera at the expense ng kapwa nila, mukhang dismayado rin sila sa mabagal o kawalan ng aksiyon ng National Bureau of Investigation.


Sa kanyang comment sa Twitter post ni Mariel na tungkol sa nagpapakalat ng fake news, mababasa ang sinabi ni Robin na "Wala naman tayo magagawa @marieltpadilla nagreklamo na ako sa NBI cyber crime patungkol sa mga katulad ni krissy. Nagpunta pa ako du'n kasama si Atty. Jurado, 2016 pa, pero hanggang ngayon, walang resulta."


At dahil sa kawalan ng aksiyon ng NBI sa kanyang unang reklamo, sabi pa ni Robin, "Ipagpasa-Diyos na lang natin at patuloy lang tayo magbayad ng tax para may panggastos ang nbi."


Aray ko!


As of this writing, ewan lang kung nakarating na sa NBI ang sentimyento ni Robin Padilla. Pero sana, kung mababasa nila ay gawan naman nila ng aksiyon, dahil sa totoo lang, kung may takot ang mga nagpapakalat ng fake news sa social media, eh, di sana'y tumigil na sila.


Ang problema, until now, malaya pa rin nilang nagagawa ang pagkakalat ng fake news at ayan nga, may mga inosenteng tao ang nabibiktima.


Hay!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page