top of page

Nagpasabog sa Coachella… MGA PINOY, VERY PROUD SA BINI

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 5 hours ago
  • 3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | April 12, 2026



BINI sa Coachella - Instagram

Photo: BINI sa Coachella - Instagram



Very proud ang mga Pinoy sa BINI dahil dinala sa Coachella ang makasaysayan nilang debut bilang kauna-unahang Pilipino at P-pop girl group na nagtanghal sa Coachella Valley Music and Arts Festival sa California.


Nitong Sabado ay nagtanghal nang live sa entablado ng Mojave ng sikat na festival ang BINI na nagdala ng isang masiglang pagpapakita ng talentong Pilipino sa isa sa pinakamalaking music festival sa mundo.


Pangmalakasang nagtanghal ang grupo suot ang mga kapansin-pansing ginintuang damit. Bawat miyembro ay nakasuot ng modernong bersiyon ng tradisyonal na salakot. Ilang sandali pa, nagbihis sila ng mala-dagat na asul na kasuotan, na bumagay sa masiglang daloy ng kanilang set.





Kabilang sa kanilang setlist ang Shagidi, Zero Pressure, at Out of My Head, bago lumipat sa mga sikat na kanta tulad ng Karera at Salamin, Salamin.


Napanatili nila ang momentum sa pamamagitan ng Blink Twice at Cherry on Top, pagkatapos ay nagtapos sa isang malakas na pagtugtog ng Blush, Bikini, at ang kanilang pandaigdigang hit na Pantropiko.


Sa April 17 ay muling magtatanghal ang P-pop girls para sa ikalawang weekend ng Coachella. Pagkatapos ng Coachella, magtatanghal ang BINI sa Grammy Museum sa Los Angeles, California para sa seryeng Global Spin Live! ng Grammy Studios sa Abril 21.





Relasyon ng aktres, laging bina-bash…

KAILA, TODO-FLEX SA BF NA SI DANIEL, KATHRYN, ‘DI MAGAWA KAY MAYOR MARK



TODO-FLEX ang aktres na si Kaila Estrada ng video kung saan ang boyfriend niyang si Daniel Padilla ay naglalaro ng golf. 


Oh, ‘di ba, kahit sa outdoors event ni Deejay, karay-karay niya ang girlfriend? Which is good naman dahil niyayakap lang naman niya ang mga hilig ng aktor. 

Wika nga ng mga netizens, “Hard launch. Bagay sila.”


Tila may parunggit naman ang isang commenter, “‘Di sa bina-bash ko sila, pero eto ‘yung nagsabi noon na ‘di raw mai-in love sa nasa same industry n’ya. ‘Di talaga dapat nagsasalita nang tapos.”


Pagtatanggol naman ng isang fan, “Nanood ka ng interview ni Ogie (Diaz) kay Kaila, mali pa n’ya. Ang sabi, kung may darating man or wala, okey lang sa kanya kahit nasa showbiz pa. Halatang delulu (delusional) ka na, ‘di maka-move on.”


“Daniel Padilla na ‘yan. Basher nga, hardcore bashers, ‘pag nakikita ‘yan sa personal, naiinlab dahil charming at mabait daw at super-guwapo 10x sa TV. ‘Yan ang comments, ha? Si Kaila pa kaya?”


“I think sabi n’ya, as much as possible, ayaw n’yang mainlab, ‘di naman n’ya tinuldukan.”

“Preferred n’ya but life happens. Wala ka bang ganyang life circumstances?”

“Under the guise of not trying to bash but you did it anyway. Ano’ng tawag d’yan? You are essentially having your cake and eating it too.”


“At least na-flex ‘yung dyowa. ‘Yung isa? Hmmm…”


“Baka itatago ulit kasi ang daming bashers sa latest spotted nila sa Thailand. Puro bakasyon lang daw kasi si Mayor.”


“Mga ganitong comment, nakakatawa. Ang bilis talaga makalimot ng tao. Nakalimutan ata kung bakit naghiwalay ‘yung dalawa. ‘Yung mga pagko-control ni Daniel at may paamba-amba pa, at ang ‘di matigil na issue ng pagiging mapaglaro sa ibang babae. 


“Tapos ngayon, kinukuwestiyon n’yo ‘yung isa porke’t ayaw ibulgar nang sobra-sobra ‘yung bagong relasyon? Alam naman na ng tao, gusto pa ilantad nang husto. Choice n’ya ‘yun. At ‘yang kay Daniel, choice n’ya rin. Mabuti nga, nakakuha ng babaeng ‘di magpapasakop sa kanya. Mabuti para tumino. At ‘yung babaeng palagi n’yang pinapaiyak, masaya na rin ngayon. Walang kasiguraduhan, eh, ganu’n naman talaga ang relasyon. Ang importante, masaya na silang pareho.”


“Simula nang na-link sila ni Daniel, lagi na akong puyat sa kanonood ng mga edit videos nila. Lakas din kasi ng chemistry. Chill lang sila pero ramdam mo ‘yung love sa isa’t isa. Go Kaila, flex mo pa.”


Ano’ng sey n’yo, mga Ka-BULGAR?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page