Nagpaparamdam na ang Sputnik V sa ‘Pinas
ni Ka Ambo - @Bistado | May 02, 2021
Unang araw ng Mayo kahapon.
Araw ng pag-‘ngawa’ ng mga manggagawa.
May mga nagprotesta kahit bawal.
Sila ‘yung mga nais kopyahin ang India!
◘◘◘
NAGDARATINGAN na ang mga COVID vaccines.
Iba’t ibang brand na ngayon ang pag-aagawan.
Klap-klap-klap!
◘◘◘
IPINAGYABANG ng gobernador ng Quezon na nakakuha na raw sila ng Sputnik V vaccines.
Inihayag niya ito sa press briefing ng National Press Club noong Biyernes.
Mainam naman kung gayon!
◘◘◘
MARAMING nakapanood sa Facebook sa naturang live interview.
Sabi niya: “April 14, dumating na ‘yung Sputnik namin galing Russia. On that line, Sinovac 5,545, AstraZeneca 871. Sputnik wala ‘yung numero pero nasa amin na. I reconfirmed it with our provincial head. Gamaleya Sputnik ang pangalan. Ang balita ko kasi dito sa Sputnik hindi isinama sa region nandun lahat accept Quezon. Kaya nga tinawagan ko si Secretary Francis Duque. Alam mo naman matagal ko ng kaibigan yun, I called him the other day sabi ko Francis ba’t wala akong Sputnik?”
Tiyak na natuwa ang mga taga-Quezon!
◘◘◘
HINDI nabanggit kung ilang doses ng Sputnik V vaccines ang nakuha ng Quezon at kung may pasilidad sila para sa storage requirement para sa nasabing bakuna.
Binibiro ngayon si Gob bilang si “Danny Sputnik”.
Huh, hindi ba’t kalaban ‘yan ng mga siga-siga sa bilibid na Oxo, Sige-Sige, Commando at Batang City Jail Gang?
◘◘◘
UMAASA ang mga taga-Quezon na may sapat na silang bakuna na magagamit, pero ‘yan ay kung totoo ang sinasabi ng kanilang gobernador.
Nagdududa pa rin kasi ang ilan kung gaano katotoo ang naturang pahayag!
◘◘◘
PAANO kaya kung “wento-wento” lang ang naturang pahayag?
Magkakasya lang ba ang mamamayan na umasa sa Sputnik V vaccine?
Mahirap paasahin ang publiko at dapat itong kumpirmahin ng mga awtoridad!
◘◘◘
ISA ang Quezon sa mga LGUs na may matamlay ang pagtugon sa COVID-19 crisis, dahil may 2.9 percent lamang ang vaccination rate.
Sa mahigit dalawang milyong populasyon, nasa 14,000 ng mga residente ang nabakunahan na, pinakababa sa LGUs na nakatanggap ng bakuna sa buong bansa.
Kailangan mag-apura sila ngayon sa mass vaccination!
◘◘◘
‘ETO kasi ang latest statement ni P-Digong:
“I will direct the secretary of the Department of the Interior and Local Government (DILG) to hold the local government officials responsible for this kind of events happening in their places. It is a violation of the law and if you do not enforce the law, there is dereliction of duty which is punishable under the Revised Penal Code.”
Maging bayani kaya si Sputnik Boy o maging kontrabida?
Abangan natin!





Comments