Nagpaparamdam na ang Duterte-Duterte sa 2022, abangan!
ni Ka Ambo - @Bistado | August 06, 2021
Nangangamoy ang Duterte-Duterte sa 2022.
Nanguna sa latest survey sa president at vice-president aspirants sina Mayor Inday at P-Digong!
◘◘◘
INILABAS ng OCTA research ang resulta ng survey sa katindihan ng COVID pandemic.
Lumalabas na may epekto ang response sa krisis sa impresyon ng mga tao!
◘◘◘
NASA likod lang ni Mayor Sara si ex-Sen. Bongbong Marcos at Mayor Isko.
Ibig sabihin, kung magtatandem mismo sina Mayor Sara at BBM ay lalo silang papatok!
◘◘◘
KAPANSIN-PANSIN na naman sa latest survey result ang sorpresang pag-angat ni dating Speaker Alan Peter Cayetano na nakadikit kay VP Leni.
Nakababad sa media si VP Leni bilang kritiko ni P-Digong samantalang si Cayetano ay nagkakaloob ng P10-K at P3, 500 ayuda sa mga sari-sari store!
◘◘◘
ISINAGAWA ng OCTA research ang survey noong July 12 hanggang 18, 2021 kung saan umakyat sa 5 percent ang iskor ni Cayetano mula sa 3 percent.
Pareho na ngayon ang ranking nina Cayetano at Robredo bilang presidentiables!
◘◘◘
MAY nagsasabing hindi naman talaga si P-Digong ang kakandidatong VP kundi si Mayor Sara.
Sinasabing sorpresang manok sa panguluhan ng mag-amang Duterte si Marcos!
◘◘◘
NANINIWALA naman ang ilan na hindi rin kakandidatong pangulo si VP Leni bagkus ay maggo-gobernador na lang sa Bicol.
Desidido naman si Sen. Panfilo “Ping” Lacson na kumandidatong pangulo katandem si Sen. Vicente “Tito” Sotto!
◘◘◘
HINDI naman magpapawat si Sen. Manny Pacquiao at inaasahang magdedeklara ito matapos ang laban kay Errol Spence sa buwan ding ito.
Kung sakali, royal rumble talaga ang 2022 presidential derby!
◘◘◘
NAKAPOSTURA na sina Lacson, Pacquiao, Marcos, Moreno, Duterte, VP Leni at Cayetano.
Sa tingin natin, tatlo ang naiiwan sa presidential race.
Sino kaya?
◘◘◘
MAHALAGA pa rin ang qualification, track record, makinarya at will power to win?
Sa lahat, si Cayetano ang dark horse riyan!





Comments