Nagpakatotoo lang… UTOL NINA ARJO AT RIA, MAS CLOSE KAY ZANJOE KESA KAY MAINE
- BULGAR
- Aug 20, 2023
- 2 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | August 20, 2023

Pinasok na rin ng younger sister nina Arjo at Ria Atayde na si Gela ang showbiz at introducing ang 21-year-old dancer sa highly anticipated Kapamilya series na Senior High produced by ABS-CBN and Dreamscape.
Bida sa naturang series sina Andrea Brillantes, Elijah Canlas, Zaijan Jaranilla at Xyriel Manabat. At dahil kasama sa cast si Ms. Sylvia Sanchez, makakasama ni Gela sa Senior High ang kanyang mother dear.
Tinanong namin si Gela sa ginanap na mediacon niya kahapon, kung saan formally ay ipinakilala na siya sa entertainment press, kung ano ang payo sa kanya ni Ms. Ibyang ngayong pinasok na rin niya ang showbiz.

Aniya, ang laging paalala sa kanya ng ina, mag-ingat siya sa mga sasabihin dahil may pagka-prangka at palaban pala itong si Gela. So, ang worry siguro ng ina ay baka laging ma-bash ang anak dahil sa mga walang takot nitong opinyon at pagpapahayag ng saloobin on certain issues.
Isa pang paalala raw ni Sylvia kay Gela ay itrato nang tama, mabuti at pantay-pantay ang lahat, walang sinisino, para tumagal siya sa industriya.
Dream namang makatrabaho ni Gela ang kanyang Kuya Arjo dahil parang natsa-challenge raw siya sa mga naririnig na papuri rito bilang magaling na aktor.
Well, why not pagsamahin na lang sa isang series o movie si Ms. Ibyang at ang kanyang tatlong anak na sina Arjo, Ria at Gela, mukhang wala ka rin namang itulak-kabigin sa kanila, ha?
At dahil belong na rin ngayon sa pamilya Atayde si Maine Mendoza, isama na rin siya dahil marunong din naman siyang umarte.
'Nga pala, inintriga namin nang konti si Gela kung kanino siya mas close — sa kanyang Ate Maine o kay Zanjoe Marudo na BF ng kanyang Ate Ria?
Walang buckle niyang sagot, pareho naman, pero mas nakakasama raw kasi niya sa mga lakaran sina Zanjoe at Ria kaya ito ang mas madalas niyang nakaka-bonding.





Comments