top of page
Search
  • BULGAR

Nagpakasal lang, netizens galit na galit… CARLO AT CHARLIE, IPINABOBOYKOT

ni Nitz Miralles @Bida  | June 13, 2024



Paolo Contis

May bagong post si Carlo Aquino ng sweet moments nila ng wifey niyang si Charlie Dizon and as expected, ang dami na namang reactions. 


Sa caption pa lang ni Carlo na, “Umaapaw ngunit tahimik kaakibat ng mga damdaming nagtatalik,” may mga nagalit na naman at na-trigger.


May nag-comment na hindi raw ba kinikilabutan si Carlo sa caption niya? May tumawag sa kanyang makapal ang mukha, red flag at may nagpaalala pa na sinabi na niya ito sa ibang babae. 


May pumansin ding kamukha ni Trina Candaza na nanay ng anak ni Carlo si Charlie kaya raw siguro nagustuhan ng aktor.


May mga nag-wish naman na sana, tumino na si Carlo at maging forever ang pagsasama nila ni Charlie. Sana rin daw, kahit may asawa na siya, hindi pa rin niya makalimutan ang anak nila ni Trina na si Mithi. 


May nanawagan pang i-boycott sina Carlo at Charlie na ang kasalanan lang ay nagmahalan.                                                    


Well, sa mga nagko-comment at mga nagalit kina Carlo at Charlie, wala naman kayong alam sa totoong nangyari kina Carlo at Trina. Tama ang isang netizen sa sinabing ang daming pala-desisyon sa buhay nina Carlo at Charlie. Tama rin ang payo niya sa mga bitter na mag-move on na at ‘wag magpaka-stress sa hindi naman nila problema.

 

Bukod kay Carla Abellana, kabardagulan din pala ni Bea Alonzo sa Widows’ War si Jean Garcia at sa teaser, makikitang unang pagkikita pa lang ng mga karakter nila, nagtarayan na. 


Si Jean ang gaganap na mother ni Rafael Rosell na husband ni Bea at ayaw sa huli ni Jean. 


Ang ganda ng linyahan ng dalawa, titigan talaga at hindi nagpatalo si Bea sa sagot kay Jean. 


Sa teaser, malalaman na ex-best friends ang mga karakter nina Bea at Carla, nagkaroon ng matinding pag-aaway at ayun na, nagkasakitan pa.                                                           

          

Ang busy ni Bea, may paparating na series na world premiere na sa July 1, nag-shoot ng bagong endorsement at successful ang business niyang Bash Manila. 


Kaya hindi namin maintindihan ang hanash ng mga bashers at haters ng aktres na wala na raw itong career. Ayan, oh, namamayagpag pa siya at marami pang ganap.                 


Speaking of Bea, kabilang ang Love Before Sunrise nila ni Dennis Trillo sa ipinasa ng GMA Network sa 2024 Seoul International Drama Awards. Isa pang entry ng GMA ang Royal Blood ni Dingdong Dantes. Sa July ang announcement ng official nominees at umaasa ang mga fans ni Bea na matatanggap as official nominee ang series nila ni Dennis Trillo.


 

NAKALIMUTAN na sana ang controversy sa fiancé ni Andi Eigenmann na si Philmar Alipayo lalo't nag-dialogue na si Andi na alam niya ang type sa babae ng partner niya, pero heto at may panibagong post si Crissa Liaging, ang babaeng naging dahilan ng kontrobersiya ni Philmar at nag-ingay na naman.

Post nito sa socmed, “Nakakagigil, sarap sabihin ‘yung totoo.” Kaya, super react na naman ang mga netizens at hinihintay na baka may i-post na namang video si Crissa na magkasama sila ni Philmar.

May nag-dare sa kanya na sabihin ang totoo para raw hindi na sila mahirapan pang manghula. Magma-Marites lang pala ang mga netizens, hahaha!



0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page