top of page
Search
  • BULGAR

Nagpahinga dahil laging sablay sa lalaki… POPS, HANDA NANG MAGKA-BF AT MAGPAKASAL ULI

ni Julie Bonifacio - @Winner | August 15, 2022


Handa nang magmahal muli si Concert Queen Pops Fernandez. It’s about time since matagal na ring walang balita na nagka-boyfriend siya.


Although, pilit siyang ini-link kay Derek Ramsay at itinurong dahilan ng hiwalayan ng aktor sa ex-girlfriend na si Andrea del Rosario. And it turned out good friends lang talaga sila ni Derek.


Sabi ni Pops sa amin, nagtataka siya kung bakit ayaw maniwala ng mga tao na wala silang relasyon ni Derek.


Pero kahit wala raw siyang boyfriend ng medyo matagal na panahon, okey naman daw ang puso niya.


"I'm always okay. Uh, I am very single, not dating. I want to start dating. Ready to mingle,” deklara ni Pops.


Choice raw niya na pigilan muna ang sarili na ma-in love.


"Yeah, parang hindi ko siya makuha nang tama. So, sabi ko, break muna ako sa ganyan.


"And, I really want to concentrate more on my kids, my family, my work which is exactly what I did. And hindi ko nire-regret 'yun because 'yun exactly what I told myself I will do, I did.


nts together. Kasi nga nu'ng bata sila, siyempre, sobrang busy ako noon, busy kami. So, ngayon, bumabawi ako."


Kaya ang ginagawa raw niya ngayon, nagta-travel kasama ang mga anak habang wala pang kani-kanyang pamilya ang mga ito.


Nag-react si Pops sa mga netizens na nag-comment sa kanya ng "Act your age."


"There's no such thing, I'm so sorry. Age really is just a number. It's how you feel about yourself. It's how you take care of yourself. And, I never felt young the way I feel now.


"Kasi nu'ng bata siguro ako, ang dami kong mga responsibilities. I was really working so hard.


Wala akong mga time na going out with friends or exploring and traveling.


"So, 'yung mga hindi ko nagawa noon, ginagawa ko na ngayon.


"Bakit? Eh, malay n'yo, mag-asawa rin ako, 'di ba?" pa-girl na sabi ni Pops.


Ini-reveal din ni Pops na keri pa rin sa kanya ang magpakasal ulit.


"'Pag siguro hindi pa ako naka… and again, eiiiih! Hahaha!


"I'm not… again, I'm not planning it. If it happens, it happens, 'di ba? "


If ever, wish ni Pops na hindi taga-showbiz ang next partner niya in life.


"Hindi pa natin siyempre alam, 'di ba, kung anuman 'yun. But sana, non-showbiz naman, para iba naman 'yung line of work namin."


Wala namang plano si Pops na ilihim ang latest sa kanyang love life if ever magka-boyfriend ulit siya.


"Hindi na. Huwag na. Okey na 'yan. Uh, saka ninyo na ako tanungin."


Nagbigay din ng reaksiyon si Pops sa pag-reveal ni Martin Nievera sa latest flame niyang si Anj del Rosario.


"It's about time. And I think dapat noon pa, 'di ba? I mean, I feel kasi when it comes to living together for so long, 'di ba? Why not?"


True.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page