top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Nagpagawa pa ng bagong studio para sa show… MGA TAGA-ALLTV, SHOCKED SA PAGRE-RESIGN NI WILLIE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 6, 2023
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | April 6, 2023




Labis na ikinabigla at talagang clueless ang lahat sa Media Relation Department ng AllTV sa balitang umiikot ngayon sa showbiz world na diumano ay nag-file na ng resignation si Willie Revillame.


Tahimik din ang mga staff ng AMBS 2 at naghihintay ng real score, kasi kay Manny Villar pa rin manggagaling ang final decision.


May ilang netizens naman ang nagsasabing baka binili na lang ni Willie ang kanyang kontrata at nagpa-terminate na sa AllTV.


May mga nagsasabi namang walang kontrata si Willie sa AllTV, kaya hindi siya committed sa network. Iba raw ang sitwasyon ni Willie ngayon at sa kaso ng Wowowin noon.


Hindi madaling desisyon ang kanyang ginawa kung totoo nga ang balita na nag-resign na siya sa AllTV. Maaaring nakipag-usap lang siya nang masinsinan sa kanyang business partner at BFF na si Manny Villar.


Hindi madali para kay Willie ang bitawan ang programang matagal niyang nakasanayan.


Excited na nga siya sa muling pagbabalik ng Wowowin sa bagong studio na kanyang ipinagawa sa Starmall na pag-aari ng mga Villar.


Pero, ayon sa ilang netizens, makakabuti na rin kay Willie ang pansamantalang pagpapahinga sa pagho-host ng kanyang show.


Kailangan niyang magbawas ng stress at obligasyon sa kanyang mga balikat. Sobra-sobra na ang suwerteng ibinigay sa kanya ng Diyos. Hindi na niya mararanasan ang maghirap at matatag na ang future ng kanyang mga anak.


Ang dapat na lang niyang gawin ngayon ay mag-enjoy sa piling ng kanyang mga mahal sa buhay. Mag-travel na lang siya at mag-relax. Makipag-bonding na muna siya sa mga kaibigang nakasama niya nu'ng hindi pa siya kumikita nang malaki.


Tandaan, ang kaligayahan ay natatagpuan sa mga simpleng bagay.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page