Nagpagawa na ng bahay… JAK, NIYAYA NA SI BARBIE NA TUMIRA SA KANYA
- BULGAR
- Dec 3, 2022
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | December 3, 2022

Birthday ni Jak Roberto kahapon at magkasama sila ng girlfriend niyang si Barbie Forteza na nag-celebrate sa isang Japanese restaurant.
Post ni Barbie, “Ba't ganu'n? Birthday mo pero mas masaya ako? Hahaha! Ang saya ko sa Japanese food, eh.”
Kinowt pa ni Barbie si Denzel Washington sa isa yatang interview nito o dialogue sa movie.
“I love you when it’s easy, I love you even more when it’s difficult. I love you because you love me.”
Wala pang post si Jak sa celeb nila ni Barbie ng kanyang birthday, pero may post ito na kinakiligan ng mga fans. Lipatan na kasi ng bahay ang binanggit.
“After ko ma-post 'yung walk thru ng dream house ko, may mga nag-request ng reaction video ni Madam. Kahit ako, curious din sa reaksiyon niya dahil nasa lock-in siya noong nai-post ko ito at 'di ko rin nakita sa personal ang naging reaksiyon niya. So, tinanong ko si Madam dito kung lilipat na ba siya sa akin 'pag nagawa na 'yung bahay, panoorin n'yo na lang kung ano'ng naging sagot niya, hahaha! Enjoy!”
Anyway, patuloy na napupuri ang acting ni Barbie sa Maria Clara at Ibarra at gusto ng mga viewers na lumalaban si Klay (Barbie) kay Padre Salvi (Juancho Triviño).
Inaabangan kung paano niya lalabanan si Padre Damaso (Tirso Cruz III).





Comments