top of page
Search
  • BULGAR

Nagpa-tattoo na ng kilay, pa-kenkoy pa… SEN. CHIZ, SUNUD-SUNURAN NA LANG KAY HEART

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 5, 2023



Medyo dismayado kay Sen. Chiz Escudero ang ilan sa kanyang mga supporters na noon ay hangang-hanga sa talino at prinsipyo niya sa buhay.


Isa si Sen. Chiz sa mga respetadong senador ng Pilipinas at maaasahan sa pagsusulong ng mga makabuluhang batas. Palagi ring may sense ang kanyang mga sinasabi at ginagawa, kaya saludo sa kanya ang mga kapwa senador.


Pero, marami ang nagtataka kung bakit sunud-sunuran na lang si Sen. Chiz sa kanyang fashionistang wifey na si Heart Evangelista. Madalas ay kasa-kasama na siya ni Heart sa mga fashion events nito sa Paris.


Unang napansin ng publiko ang pagpapa-tattoo ni Sen. Chiz ng kanyang mga kilay. Tiyak daw na impluwensiya ito ni Heart.


At recently nga lang ay may ipinost na picture sa social media na makikitang nagme-“make face” ang dalawa. Naka-dila at nakangiwi pa nga si Sen. Chiz, walang kiyeme sa paggaya sa mga facial expressions ng asawang si Heart.


Kenkoy na kenkoy ang hitsura ni Sen. Chiz, kaya marami tuloy ang na-turn-off sa kanyang mga pinaggagagawa ngayon.


Well, ang depensa naman ng kampo nito ay pinagbibigyan lang ni Sen. Chiz ang kanyang misis. Kitang-kita na masayang-masaya si Heart sa suportang natatanggap niya sa mister.


Sa katunayan, fashionista na rin kung manamit ngayon si Sen. Chiz at nagsusuot na rin ito ng mga leather jackets. Madalas nga ay twinning pa sila ng porma at ayos ni Heart.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page