top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Nagpa-preserve na ng 2 eggs pero… HEART, AYAW MAGBUNTIS

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 29, 2022
3 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | September 29, 2022


Kering-keri pala ni Heart Evangelista ang magka-baby kung talagang gugustuhin niya.


Sa isang glossy magazine ay ini-reveal ni Heart na nakapag-preserve na siya ng kanyang egg cells, not just one but two!

May baby boy and baby girl na raw siya, “Waiting for me” sabi ni Heart.


Kaya anytime na gusto na talaga niyang magka-baby, puwedeng-puwede. ‘Yan pa naman ang isa sa mga panira sa kanya ng mga bashers niya, na after ng miscarriage niya sa una niyang pagbubuntis sa twins nila ni Sen. Chiz Escudero, 'di na raw siya mabubuntis.


Sa naturang interbyu kay Heart, inamin ng aktres na may second thoughts siya sa muling pagbubuntis. At this stage raw ng buhay niya ay tinatanong niya ang sarili kung gusto ba niyang magka-baby dahil kailangan niya ng anak or dinidiktahan lang siya ng “environment or culture” na dapat siyang magkaroon ng anak.


Parang dialogue lang sa movie nina Claudine Barretto at Piolo Pascual, hah?

Anyway, sa edad na 37 ni Heart at kahit established na ang mister niyang si Sen. Chiz ay malaking katanungan pa rin sa kanya kung handa na ba talaga siya na maging ina.


Nag-ugat daw ang tanong na ‘yan ni Heart after ng prosesong pinagdaanan niya para ma-harvest ang kanyang mga itlog.

To quote her sa artikulo tungkol sa kanya sa September issue ng L’Officiel Philippines, “With IVF, they inject you with fertility hormones. It was very difficult and painful. I had three injections a day over a two-week process,” the 37-year-old actress said.


“After harvesting and the processes that came after, they were able to gather the perfect boy and the perfect girl.”

Very much aware raw si Sen. Chiz sa mga naka-freezer na egg cells ni Heart. Sinuportahan daw siya ng kanyang mister sa kabuuan ng prosesong pinagdaanan niya.


Sabi ni Heart, “Chiz is a really good guy though we’re very different because he’s very conservative and I’m also a little bit more modern. Perhaps it’s because of our age gap. But what I like about him is he tries. He tries to be as supportive as he can be."


So, na kay Heart talaga ang desisyon kung gusto at kailan siya magkaka-baby, na isa sa mga sinasabing dahilan sa unconfirmed report ng hiwalayan nila ng mister.

Kita naman sa mga posts ni Heart sa social media na super nag-e-enjoy siya sa kanyang “fabulous life” sa ngayon.


At ang latest possession ni Heart a few months ago ay ang Mercedes Benz customized white van na naka-vlog sa kanyang YouTube channel.

Hindi lang pang-glam ang kanyang bagong van but for her, “it’s an essential on what she does.”


She considers her new van as her ‘third home.’ Pero kinorek din niya ang sarilli na pang-fourth na ang kanyang van sa mga kino-consider niyang “home.” Heart calls her van as “the van na nakakaartista.” Knows ninyo na kung bakit dahil status symbol sa mga artista ang van especially sa mga tapings and shootings.


Tinawag din niya na more mature ang latest acquisition niyang sasakyan. Siyempre, sumasabay din sa edad ni Heart kung ano ang latest “needs" niya sa kanyang van. It’s a collaboration daw of Mark Bumgarner and Primera Klase para sa interior ng van.

Ang taray ng upuan ni Heart dahil bukod sa massage chair na siya, may pa-sauna pa.

"I grew up in vans because of my work but this is definitely a van of steroids type of things,” say pa ni Heart sa kanyang vlog.


Ang isang MB van na gaya ng kay Heart ay nagkakahalaga ng mahigit P10M, plus the interior na dinisenyuhan ng sikat na designer na si Mark Bumgarner, so aabot sa mahigit-kumulang P15M ang total cost ng van ni Heart.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page