top of page
Kiko Pangilinan - IG

Nagpa-matching tattoo kasama ang girl BFF… NETIZENS KAY ANDI: IWANAN MO NA SI PHILMAR, ‘DI NAMAN GUWAPO!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 10, 2025
  • 3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | Feb. 10, 2025



Photo: Andi Eigenmann at Philmar Alipayo - Instagram


May reaksiyon si Vice Ganda sa tanong tungkol sa ‘matching tattoo’.

Sa It's Showtime (IS) nitong Sabado, sa weekly finals ng segment nilang Sexy Babe, may isang tanong para sa mga contestants.  


Nang mabasa ito ni Meme Vice, agad siyang nag-react. Babasahin na lang sana niya ang tanong nang bigla siyang nagsabi, “Ay! Jusko, very current. Very ano ito, very controversial na issue. Lately, I have been reading about this issue,” ani Meme Vice.  


Binasa niya nang malakas ang tanong: “Ano’ng gagawin mo kung nagpa-matching tattoo ang boyfriend mo at ‘yung girl bestfriend n’ya? ‘Yung boyfriend mo, may girl best friend, tapos nagulat ka na lang, gumising ka isang araw, eh, nagpa-matching tattoo sila?” 


Umani agad ito ng libu-libong reaksiyon mula sa mga netizens.  


Ang ‘matching tattoo’ na tinutukoy sa tanong ay may koneksiyon sa mainit na isyu ngayon sa pagitan ni Andi Eigenmann at ng live-in partner niyang international surfer na si Philmar Alipayo.  


May cryptic post kasi si Andi tungkol sa matching tattoo, kung saan binanggit niyang tila pinagtaksilan siya ng isang kaibigan.  


Aniya, “She didn’t honor my side by choosing to celebrate her and my husband’s love for each other because the day after our fight, she inserted herself in the situation by encouraging him to go for a spontaneous love couple tattoo together.”


Dahil dito, maraming netizens ang nagbigay ng opinyon sa Facebook (FB) page ni Vice, na tila direkta nang nakikiramay kay Andi.


“Walang respeto si boy sa kanyang wife. ‘Wag ka nang magtiis, Andi! Iwanan mo na ‘yan, ‘di naman ‘yan kaguwapuhan, oi!”


“Kadalasan talaga ‘yang mga ‘girl best friend’, tsk. ‘Di rin alam ang boundaries. Hahaha! Tapos ‘yung guy naman, papogi… Minsan mas inuuna pang maka-bonding ang ‘best friend’ raw kesa sa jowa… Naku, girls, iwan n’yo na ‘pag ganyan!” 


“True, break up! Walang respeto sa karelasyon. Forever ang tattoo… Parang naglolokohan na lang kayo kung tatanggapin mo pa. Walang respeto sa ‘yo ‘yung girl best friend pati ‘yung boyfriend mo mismo!”


“Bakit magtitiis ang babae kung ganu’n? Break agad! Lalo na kung may nararamdaman ka nang kakaiba sa dalawa, kaysa magtiis ka. Ikaw ang kawawa. Mas mabuti pang mabuhay ka nang wala ang walang kuwentang lalaki na ‘yan—hindi ‘yan kawalan sa buhay mo!”  


“Iwanan mo tapos magpaganda ka! Ipakita mong kaya mo kahit wala s’ya. Bakit? S’ya lang ba ang lalaki sa mundo? Malay mo, makakatagpo ka pa ng mas higit pa sa kanya, ‘di ba? Kaya ‘wag magtiwala nang buong-buo sa best friend, kasi karamihan, nasa best friend ang ahas, hindi sa gubat!” 



ISHINARE ni Judy Ann Santos ang isang special trait niya at ng anak na si Lucho — magkapareho raw sila pagdating sa commitment.  

Nainterbyu ang aktres sa TFC talk show na BRGY, at ibinida niya ang anak niyang si Lucho.  


Aniya, “Hindi pa talaga s’ya matured. Pero for his age, he already knows his focus, his goals, he’s very disciplined in eating, in sleeping.”


Si Lucho ay isang passionate athlete, particularly excelling in football. Noong 2023, nagkaroon na siya ng pagkakataong makipag-compete sa Kuala Lumpur, Malaysia.  

In-assure ni Juday na priority pa rin ng anak ang studies.  


Paliwanag ng Teleserye Queen, “Alam n’ya na ‘pag may bumagsak s’yang subject sa school, ‘Magbabawas tayo ng football activities mo.’”


Despite his teenage years, Lucho remains affectionate.  


“Mahilig sa games, oo, ma-chika sa friends, pero malambing pa rin,” sabi ni Juday.  

May isang personality trait din daw si Lucho na kapareho niya—ang strong sense of commitment sa promises.  


“‘Wag ka lang magpa-promise sa kanya, tapos hindi mo gagawin. Parang ako, ‘wag ka magpa-promise sa ‘kin, tapos ‘di mo gagawin. Kasi tatandaan ko talaga ‘yan,” natawa niyang sabi.  



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page