Nagpa-freeze na raw ng egg… CLAUDINE, GAME NANG MAGKA-BF AT MAGKAANAK ULI

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | February 13, 2021

Sa YouTube vlog ng kaibigan ni Claudine Barretto na si Janelle Jamer ay ininterbyu siya nito ng tungkol sa personal niyang buhay.
Open naman ang aktres sa mga tanong ng kaibigan, lalo na sa love life niya.
Ayon sa Optimum actress, ready na siyang magka-boyfriend, pero ‘di naman daw siya nagmamadali.
“Oo naman. Kaya lang, wala pa rin talagang dumarating. Hindi ko rin kinukulit si God na ‘pag dumating, eh, darating talaga. Ganu'n talaga, eh,” sey ng estranged wife ni Raymart Santiago.
Bukas din daw siya na muling magkaanak, pero wala siyang plano na magkaroon pa ng isa.
Esplika ng actress, “Siguro mag-adopt, okay na ako. Kumpleto na ako, two boys, two girls. Pero, ‘yung magdagdag pa, hindi ko kino-close ‘yung door ko, hindi ko rin iniisip na magdagdag pa. Kumbaga, happy na ako, kumpleto na ako as a mother.”
Kung gusto raw ng magiging future boyfriend niya na magkaanak, puwede naman siyang magpa-freeze ng kanyang eggs.
“Sana, kapag nakahanap na ako, kapag dumating na si Mr. Right, sana, magkaroon pa. Pero ‘di ba, gaya ng pinag-usapan natin, nagpapa-freeze ng eggs ngayon. Isa pang biological,” lahad ni Claudine sa kaibigang YouTuber.
Si Claudine ay may biological son, si Santino, anak nila ni Raymart.
Prior to that, may legally adopted sila ng ex-husband, si Sabina. May dalawa pa siyang adopted children, sina Quia at Noah.





Comments