Nagpa-blonde ng buhok at may bangs… SARAH, KAMUKHA NA NI KATHRYN
ni Beth Gelena @Bulgary Files | January 29, 2023

Agaw-pansin ang bagong hairstyle ni Sarah Geronimo na ipinost ng kanyang bagong hairstylist na si RJ dela Cruz.
Trending ang nasabing larawan na kumalat sa social media. Bumagay kasi sa Popstar Royalty ang new hairdo niya.
Marami tuloy ang nakapansin na magkahawig na raw sila ni Kathryn Bernardo sa kanyang mga trending na pictures.
Marami ang pumuri sa kanyang hairstyle na may side bangs at blonde ang kulay.
Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens…
"My heart is screaming, she is so gorgeous."
"Ganda ng hair. Lalo kang gumanda, Ms. Sarah G."
"Sana ganyan hair ni Sarah lagi @rjdelacruz. Sobrang bagay sa mukha niya, ang ganda."
Mabuti na lang at very supportive pa rin ang mister ni Sarah na si Matteo Guidicelli sa kanyang career at hindi nito pinipigilang mag-change image ang misis.





Comments