Nagnanakaw ng pera ng bayan, tapos na ang maliligaya ninyong araw — P-BBM
- BULGAR

- 8 hours ago
- 1 min read
by Info @News | November 13, 2025

Photo: SS / RTVM
“Itong mga walang-hiyang ito na nagnanakaw ng pera ng bayan, tapos na ang maliligaya ninyong araw.”
Ito ang naging banta ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa mga sangkot sa maanomalyang flood control at infrastructure projects sa bansa.
Dagdag pa niya, “Una, mapapanagot ang mga kasama rito, kasabwat dito sa korupsiyon. Pangalawa, mabawi ng gobyerno ang pera na ninakaw nila. Pangatlo, na gumawa tayo ng reporma para ang lahat na itong klaseng korupsiyon na ganito ay hindi na mauulit.”








Comments