Nagli-live-in na raw… AJ, FEELING WAGING-WAGI NA PINILI NI ALJUR NA IPALIT KAY KYLIE
- BULGAR
- Aug 22, 2023
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 22, 2023

Lantad na sa publiko ang relasyong Aljur Abrenica-AJ Raval, kaya hindi na nila kailangang magtago pa. Alam ng lahat na nagli-live-in na sila at wala nang pakialam ang ex-wife ni Aljur na si Kylie Padilla.
Waging-wagi ang feeling ni AJ dahil nakuha niya si Aljur. Maraming kababaihan ang nagpapantasya sa aktor at siya ang pinili nito na ipalit kay Kylie.
Pero, paalala ng mga netizens kay AJ, ‘wag munang magsaya at magdiwang sa kanyang tagumpay sa puso ni Aljur. Hindi siya magkakaroon ng katahimikan at kaligayahan dahil hindi naman siya mapapakasalan ni Aljur dahil hanggang ngayon ay kasal pa rin ito kay Kylie at marami pang pagdaraanan ang aktor upang ganap na makamit ang kalayaan mula sa kanyang estranged wife.
Hindi madaling proseso ang pagpapa-annul sa kasal nina Aljur at Kylie, kaya dapat tanggapin ni AJ ang katotohanan na hindi siya puwedeng maging Mrs. Abrenica.





Comments