Naglaplapan in public, Annabelle… MOND, PROUD NA PROUD SA BF NA LAWYER
ni Nitz Miralles - @Bida | July 23, 2022

Biniro na may halong kilig ng kanyang mga kaibigan si Mond Gutierrez sa video post niya kasama ang boyfriend niyang si Rob William.
Paano naman, sinundo nito si Mond sa LAX o Los Angeles Airport nang bumalik sa LA at may kasamang lips-to-lips. Mababasa rin ang nakasulat sa t-shirt ni Mond na “My boyfriend is a lawyer.”
Comment ng isang friend ni Mond, “You know it’s real love when they pick up at LAX” na sinagot ni Mond ng “facts.”
Emoji ang sagot ni Mond sa mga kinilig sa kanilang napanood at marami sila. Ang iba, nag-congratulate kay Mond at wish nilang laging masaya ang love life nito.
May nag-comment naman ng “The kiss was so sweet” at ang aliw na comment na “Sana lahat may nasundo sa airport na AFAM” at ang sweet comment na “Oh, so sweet!!! I’m hoping that he’s the one.”
Sa comment ni Ruffa Gutierrez na “See you soon!!!” mukhang lilipad pa-LA ang isa sa mga bida ng Maid in Malacañang at makikita na niya ang BF ni Mond.
Napa-“Yay!!!” kasi si Mond sa comment na ito ni Ruffa.





Comments