Nagkita sa Cannes Filmfest… ENCHONG, SUPER HAPPY NA MAY PICTURE SILA NI KATE BLANCHETT
- BULGAR
- May 22, 2023
- 1 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | May 22, 2023

Overwhelmed si Enchong Dee sa kanyang pag-attend sa Cannes Film Festival sa France for the very first time.
Panay ang post niya sa kanyang Instagram ng mga ganap niya habang nasa France. And on his third day sa Cannes filmfest ay na-meet ni Enchong ang famous international actress na si Cate Blanchett.
Ipinost ni Enchong ang picture niya with Cate on his Instagram last Saturday.
Caption ni Enchong: "Day 3 thoughts: Ang mundo ng isang aktor ay hindi nananatili sa loob ng bansa. Malaki ang mundo. Malayo ang lalakbayin. Masarap matuto. Nakaka-excite gumawa ng pelikula na maipapalabas mo sa mga banyaga. Thank you, Lord, na pina-experience mo 'to sa akin."
Dream come true para kay Enchong ang maka-attend sa Cannes filmfest.
"Pangarap ko lang 'to dati na maka-attend ng @festivaldecannes, but more so doing a world premiere for Topakk in Marché Du Film. Grabe ka, Lord!" sabi pa ni Enchong sa kanyang IG.
Maging ang mga celebrity friends ni Enchong ay super happy din para sa kanya gaya nina Bianca Gonzalez, Mylene Dizon, Bernadette Sembrano at marami pang iba.





Comments