Nagkatampuhan noon, nagyakapan ngayon… NETIZENS: JULIA AT JANELLA, PLASTIKAN
- BULGAR
- Oct 4, 2023
- 2 min read
ni Beth Gelena @Bulgary Files | October 04, 2023

Speaking of Janella Salvador, nagkita sila ng friend niyang si Julia Barretto sa ABS-CBN Ball.
Tuwang-tuwa na mahigpit na nagyakap ang mga ito.
Minsan, napabalitang nagkaroon ng hidwaan ang dalawang young actresses. Ito ay nu'ng naging controversial ang issue ni Julia kay Gerald Anderson years ago na.
Pero hindi si Gerald ang ugat ng kanilang ‘di pag-iimikan kundi si Joshua Garcia nang ipareha ang actor kay Janella.
Nang magkita ang dalawa sa ‘di inaasahang pagkakataon, all is well kahit wala naman silang pinag-usapan. Na-miss nila ang isa’t isa.
Tanong ng netizen, "Ano ba kasi pinag-awayan nila to begin with?"
Inintriga naman ng mga Marites ang pagkikita ng dalawang aktres, "Ang awkward ng mga fez nila, sa true lang."
“Aww! How cute.”
“They tried, A for effort.”
“Konting acting lessons pa and the next iteration might actually be believable, haha."
"Julia looked hesitant to hug Janella. This is not Julia’s best look due to her gown. I don’t know something is kulang but she is still pretty. ‘Yung gandang-ganda ako sa kanya ‘yung controversial ball na ang luminous at fresh niyang tingnan. Janella on the other hand, ang baduy niyang tingnan. The hair, makeup and gown! They all fail. I like her personality pa naman."
Ayon naman sa isang commenter, "Naging funny ‘yang moment na ‘yan kasi si Kim Chiu, rumarampa sa red carpet sa likod. Then while Gretchen Fullido was interviewing that group, nagkakakaway si Kim Chiu sa background in between Dimples and Gretchen."
"D’yan mo makikita na iba ang nangyayari sa likod ng camera. Sabi nga nila, 50% lang totoo na nakikita mo sa TV sa tunay na nangyayari."
"Makikita naman sa face nila na awkward. Why do they need to subject them into that situation kahit alam naman nilang may unresolved issues/gap between the two?"
"They patched up already… they've been attending same party with Janella's step sibs na ka-close din ni Julia. Hindi lang sila mahilig mag-post."
"Super-halata naman ‘yung plastikan, kita sa face, eh. Ayaw pakabog kay M and K, lol!"
"These two ladies are civil naman. They have a common circle of friends wherein nagkakasama na rin sila off-cam during casual events… Baka hindi na lang as close as before."





Comments