Nagkasakitan daw… MARCO, UMAMING BUWAG NA ANG BARKADA NILA NINA DANIEL, KATHRYN, GABBI, RIA, ETC.
- BULGAR
- Sep 7, 2023
- 2 min read
ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | September 7, 2023

Finally, inamin na ng aktor na si Marco Gumabao na wala na ang grupo nilang “Nguya Squad” na kinabibilangan din nina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Khalil Ramos, Gabbi Garcia, Ria Atayde, Patrick Sugui, Aeriele Garcia, Joe Vargas, Bianca Yanga, Dominique Roque, Sofia Andres, Daniel Miranda at Joshua Garcia.
Ito ang naging sagot ni Marco sa panayam sa kanya ng talent manager at content creator na si Ogie Diaz na in-upload sa YouTube channel nito kung ano ba talaga ang nangyari sa nasabing grupo nilang magkakaibigan.
Hindi binanggit ni Marco kung ano ang isyu at dahilan ng pagkawatak-watak ng grupo.
Simula ng aktor, “Ako kasi, hindi ako nakikisama sa mga proble-problema ng mga kaibigan. Of course, nagkaroon ng falling out between sa kanila. I mean, normal naman yata sa magkakaibigan ‘yun.
“Pero ako, sa totoo lang, hindi ako nakikialam sa kanila. Wala akong problema sa kahit sino sa kanila. It’s not also my position to talk about it. Pero hindi naman siya big deal na sobra, pero yeah, nagka-falling out. Ako, for me, wala ako sa gulo na ‘yun.”
Inamin din ni Marco na labis siyang nanghinayang sa grupo nilang magkakaibigan dahil buo naman talaga ang samahan nila. Kaya lang, hindi maiiwasan na dumaraan sa pagsubok ang kanilang pagkakaibigan.
“Kasi, kami ‘yung solid na solid ever since before, ‘di ba? Nakakalungkot na may mga times na ganu’n talaga, eh. Sa barkada, hindi talaga nakukumpleto or may times na nagkaka-falling out.
“So ‘yun ‘yung mga times na nakakalungkot. Kasi ako, bilang kaibigan, gusto ko, lahat tayo, happy. Gusto ko, lahat tayo, walang problema,” paliwanag pa ng binata.
Wala rin daw sa posisyon si Marco na sabihan kung ano ang dapat na mangyari o maging reaksiyon ng bawat kaibigan dahil may kani-kanila silang emosyon.
“Hindi naman puwedeng masabi sa mga tao na, ‘Oh, kalimutan mo na lang ‘yung ganitong nagawa ni ganito o ‘yung ganitong nagawa ni ganyan,’ ‘di ba?
“May kani-kanyang feelings ‘yan. May kani-kanyang feelings na may mga mahe-hurt, may masasaktan and you can’t tell people to, ‘Huwag mong maramdaman ‘yung feeling na ‘yan,' kasi sila ‘yun, eh. Sana, magkaayos kasi hindi naman siya sikreto, ‘di ba? Kumbaga, it’s an open secret na ganu’n. But yeah, for me, sana, magkaayos lahat,” saad ng aktor.
Base naman sa mga nakikita naming posts ng mga nabanggit na pangalan sa kanilang social media accounts ay nagkakasama-sama sila sa ilang lakaran maliban sa mag-asawang Patrick at Aeriele; Joe at Bianca, plus Khalil at Gabbi.
Gusto naming isipin na hindi magtagpo ang mga schedules nila dahil ang iba ay sobrang busy sa kani-kanilang projects.




Comments