top of page

Nagkampeon ang Lakers, MVP si Lebron James

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 13, 2020
  • 1 min read

ni MC - @Sports | October 13, 2020




Ang Los Angeles Lakers, ang hinirang na NBA champion 2020 sa pangunguna ni LeBron James makaraang ilampaso ang Miami Heat, 106-93, sa Game 6 ng kanilang best-of-seven finals na ginanap sa bubble sa pasilidad ng Walt Disney sa Florida, U.S.A kahapon.


Nasungkit din ni LeBron ang kanyang pang-apat na Finals MVP dahil sa maganda nitong performance sa NBA Finals.


Matinding depensa ang inilatag ni Lakers coach Frank Vogel para limitahan ang opensa ng Miami at hindi papormahin sina Jimmy Butler, Tyler Herro at Dunkin Robinson na naging susi sa panalo sa Game 4 at 6.


Ipinakita naman ni LeBron na kumana ng 28 puntos kung bakit siya pa rin ang itinuturing na mukha ng NBA at kung bakit siya tinatawag na King James.


Mula simula hanggang huli ay napanatili ni LeBron ang kanyang shooting form kung saan siya ang nanguna sa opensa ng Lakers para masiguro ang panalo at masungkit na nila ang kampeonato sa laro.


Sa garbage time, medyo niluwagan na ng Lakers ang depensa dahil mahigit 20 puntos naman ang kanilang lamang at pagsapit ng huling dalawang minuto ay inilabas na si LeBron upang makapagpahinga para sa selebrasyon nila sa kampeonato.


Tuwang-tuwa rin si Anthony Davis, umambag ng 19 puntos na nakitang nagtatago dahil umiiyak sa saya matapos nitong makuha ang una niyang championship ring sa koponan ng Lakers. Pinuri rin ang magandang performance nina Alex Caruso na umambag ng 4 puntos, Kentavious Caldwell-Pope, 17; Rajon Rondo, 19 at Danny Green, 11.


Hindi naman umubra ang ginawang pagsisikap ni Bam Adebayo na kumana ng 25 puntos habang si Butler ay nalimitahan lang sa 12 points.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page