Ota ng Japan kampeon sa ACC C'ships Track Cycling Championships elite men
- BULGAR

- 2 hours ago
- 1 min read
by Elyssa NIchole @Sports News | March 31, 2026
,

Photo: Nakangiting dumating sa tagumpay sa finish line si Japanese Kaiya Ota kasunod si Li Zhiwei ng China sa elite men sprint final. (PhilCycling Photo)
Nagtala si Kaiya Ota ng Japan ng bagong Asian Cycling Confederation (ACC) Track Cycling Championships elite men sprint record sa qualifying round bago nanalo ng gold medal na ginanap sa Tagaytay CT Velodrome sa Tagaytay City.
Inirehistro ni Ota ang tiyempong 9.348 seconds noong Linggo para ungusan ang previous Asian mark na 9.350 seconds na siya ring nakagawa sa Paris Olympics noong Agosto 2024.
Pagkatapos ay nasungkit ng 2-time Asian Games gold medalist, Ota ang gold sa ipinasang 9.575 seconds sapat upang talunin si Li Zhiwei (9.926) ng China sa event na punong-abala ang PhilCycling at Tagaytay City at suportado ng Philippine Sports Commission, MVP Sports Foundation at Sports Plus PH.
Nasilayan ang husay nina Eiya Hashimoto at Kazushige Kuboki nang mapagwagian ang elite men Madison gold sa nailistang 104 points, nakopo ng pambato ng Kazakhstan na sina Ilya Karabutov at Ramis Dinmukhametov ang silver medal matapos makapagtala ng 82 points habang bronze ang nasikwat nina Tsu Wai Chu at Kai Kwong Tso ng Hong Kong sa iskor na 65 points.
Napunta naman kina Mizuki Ikeda at Maho Kakita ng Japan ang gintong medalya sa women’s race sa iskor na 53 points, tinalo nila ang Chinese duo na sina Xianbing Gong at Menghan Zhou na may silver (40 points) at bronze sina Sze Wing Lee at Wing Yee ng Hong Kong na may 31 points.




Comments